THE ARTIST IN JOHN LLOYD CRUZ

John Lloyd Cruz with co-artist Romeo Lee & former actress Dindi Gallardo

HINDI MAN aktibo sa ngayon ang aktor na si John Lloyd Cruz sa showbiz at pagaartista, sa ibang field ng art naman naka-focus si Lloydie.

Sa mga hindi nakakaalam, isang pintor din si John Lloyd na ang tema ng kanyang art pieces ay radical, hindi traditional at kakaiba.

Sa latest group art exhibit na nag-launch yesterday a 3RD Floor Landing ng Vargas Museum sa UP Diliman na “Reinterpreting Vic Delotavo’s Posters for Philippine Cinema” na nag-open yesterday until June 9, 2018 kasama ng JLC ang ibang mga artists tulad nina Dranreb Belleza, Carlos Celdran, Romeo Lee, Cecil Zamora at marami pang iba.

Sa event, iba ang look or hairstyle ni Lloydie na sa mga kaibigan niyang mga artists ay hindi na bago ang nakakalokang hairstyle ng actor-pintor sa “tomahawk” look niya na si Ellen Adarna pa mismo ang gumipit sa kanya.

Sa event, dumalo si Dindi Gallardo na isa sa mga kaibigan ni Lloydie.

In yesterday’s event, tumanggj magpa-interbyu on-camera ang aktor at sabi nito na hindi na siya nagso-showbiz.

           

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.