Thanksgiving Concert, Ginanap sa Navotas

ISANG MINI-CONCERT ang inihanda ng mga bagong halal na kandidato sa Navotas matapos nilang manumpa sa kanilang katungkulan sa harap ni Vice President Jejomar C. Binay noong Hunyo 24, 2013 sa Navotas Sports Complex.

Ginanap ang concert bandang alas-7 ng gabi sa parehong lugar bilang pasasalamat nila sa mga Navoteño na nagbigay ng buong tiwala sa kanilang partido.

Game na game ang lahat ng opisyal sa pag-indak sa mga usong sayaw ngayon na “Cha-Cha”, “Gangnam Style” at “Gentleman”.

Gumawa rin ng sari-ling bersyon ang District I at District II councilors na sina Ethel Joy Arriola at Jack Santiago at Marielle del Rosario at Engr. Don de Guzman ng sikat na loveteam ngayon na sina Sir Chief at Maya ng “Please Be Careful With My Heart”.

Mistula namang artista sina Mayor John Rey Tiangco at Vice-Mayor Clint Geronimo kung hiyawan ng mga manononood ang kanilang dance number sa saliw ng “Machong Papa” at “Gimme at Gimme”.

Sa huli, pinakainabangan ang pagkanta ng punong lungsod ng “Handog” ni Florante kasama ang Philippine Tesalonica Choir.

“Masayang-masaya po ako na hindi lamang po suporta ang inyong binigay kundi buong pagtitiwala sa buong Partido Navoteño,” ani ng punong lungsod sa kanyang maiksing mensahe.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.