Thai teen heartthrob Mario Maurer, pakikiligin ang Pinoy fans!

MATAPOS TAYONG PAKILIGIN ng F4 at ni Shan Cai sa Meteor Garden; ng love triangle nina Gu Jun Pyo, Geum Jan Di at Yoon Ji Hoo sa Boys Over Flowers at nina Carlo, Vivian at Martin sa Lovers in Paris; at ng Korean idol groups na Super Junior at 2NE1 ay isa na namang Asian invasion ang tiyak na magpapakilig sa mga Pinoy fans sa katauhan ng Thai superstar na si Mario Maurer.

Pinukaw ni Mario ang interes ng sambayanang Pilipino when the Tagalized version of his romantic-comedy movie Crazy Little Thing Called Love opposite Pimchanok Luevisadpaibul was shown on ABS-CBN last June. Nagkaroon pa ito ng replay two weeks after it was first shown on the Kapamilya Network.

Sino nga ba itong si Mario at bakit ganoon na lang siya ka-hot sa mga kababaihan? He was born in Thailand on December 4, 1988. Chinese ang kanyang ina at German naman ang kanyang ama. He became a model when he was 16 years old. Nakagawa siya ng mga pelikula tulad ng Friendship, 4 Romance, at The Love of Siam kung saan siya nakatanggap ng Best Actor Award mula sa 10th Cinemanila International Film Festival. But he sealed his celebrity status with the movie Crazy Little Thing Called Love. Marami ang pinakilig ng pelikula kabi-lang na rito ang mga Pinoy na mahilig sa mga romantic stories.

After ipalabas ang pelikula sa ABS-CBN ay dumagsa ang sangkaterbang requests from fans na sana raw ay makadalaw o makagawa ng project sa Pilipinas ang teen heartthrob. Nagpaunlak si Mario ng isang exclusive interview for ABS-CBN during his endorsement pictorial and meeting with some Star Cinema executives. Is he willing to make a movie in the Philippines? “I think doing [a] movie outside Thailand is [a] very good opportunity because I never expected [that] I’m going to be famous in [the] Philippines, China, or Taiwan.”

Sinabi ni Mario na handa raw siyang gumawa ng isang romantic movie dito sa bansa kasama ang isang Filipina actress. Kung sakaling matuloy ang project ay sino kaya sa ating mga female teen stars ang maswerteng makakapareha niya?

Walang dudang guwapo si Mario at tiyak na maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. Isang tip para sa kanyang mga fans, ang tipo raw niyang babae ay sweet. “I like a happy and funny girl. I like girls who dress up very nicely.”

For those who can’t get enough of Mario, humanda na kayo dahil bukod sa isang endorsement para sa isang Pinoy clothing brand ay kasalukuyang inaayos na rin daw ang paggawa niya ng pelikula under Star Cinema. Sabi nga ni Mario ay malaki ang chance na bumisita siya ng Pilipinas.

Naku, tiyak na marami na namang lalagnatin na mga Pinoy fans kapag dumating dito sa bansa si Mario. Siya na kaya ang maging daan upang magkaroon naman ng Thai fever sa Pilipinas?

 

Kaibigan, usap tayo muli!  

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

21 thoughts on “Thai teen heartthrob Mario Maurer, pakikiligin ang Pinoy fans!

  1. Marian Rivera and Mario Maurer — parehong ASIAN SUPERSTARS. Unlike starlets ng Dos na FOREVER DAWHO paglabas ng Pilipinas. Hakhakhak!

  2. Gwapo at Sikat talaga yang si Mario.. May Girlfriend na siya.. i think matagal na for more than 4 yrs na ata.. base sa pagkakaalam ko.. lahat ng gusto niya sa girl na sweet.. ung masiyahin same as her current girlfriend na Thai Celebrity din na very cute at fashionista.. Good luck Mario..

      • nyahahahah mag mumukhang lalaki diyan si Angel,,,pag pinagtabi mo silang dalawa,,,mas maganda si mario,,,,bakit hindi pa ba ninyo alam na Beki rin yan…hahahhaa..huli na kayo sa balita,,naglaladlad na nga yan sa Thailand,,,hahahha

      • Angel Locsin is sooooo LAOS. Yung teleserye na nga lang niyang once in a blue moon, INURONG PA! Ang saklap kay Urong Kwin Anghet! Hakhakhak! Never naman sumikat sa Asya yan si Anghet so for sure, DAWHO yan sa ibang Asyano, unlike Marian Rivera. Hakhakhak!

  3. PAG SI MAJA NAMAN ANG PARTNER ANG TITLE NG MOVIE AY “SA TUKTOK NG SIERRA MADRE….WISH KO LANG”……….KASI WALA NAMANG BUNDOK (BOOBS) SI MAJA EH……….HAHAHAHA…………WALANJO!!!!!!!!!!!!!!AS IN WALANG JOGA!!!!!!!!!!!!HAHAHAHA

  4. PAG HORROR ANG MOVIE BAGAY NA BAGAY SI KM VANG CAY DITO…..REMAKE ITO NG “HUWAG MO BUHAYIN ANG BANGKAY”…………HAHAHA……CYEMPRE YUNG IDOL NYO ANG BANGKAY…………HAHAHAHA

  5. parang ang corny naman kung yung kamukha nung sa CLTCL yung kukunin diba? goes to show na gumagaya nanaman tayo to others ~.~ parang mas okay kung yung dalagang Filipina diba? wala nga lang akong mapin-point kung sinong actress. =)) I’m looking forward to this movie [if ever.] :)

  6. mas bet q c kim chiu jan s movie..kung c erich pano na si enchong,dba loveteam cla..c kim n lng wla xa loveteam ngaun..at for sure blockbuster yan..

  7. hay naku super crush ko ‘to grabe…ang oa ng abs cbn, dahil tinelecast nila yung CLTCL…sumikat si mario ehhh marami na nakapanood ng movie na yun sa youtube bago pa ipalabas sa 2….mga echos!

  8. Rachel wala pang pinipili..pero mas mganda kung c Kim Chiu..medyo hawig ni Kim ung partner ni Mario sa movie na Crazy little thing called love eh..tsaka pareho clang hhalf chinese..and besides mas mgigin blockbuster hit un pag c Kim ang leading lady nia..#just saying

  9. Kathryn b or julia m. Andi e.kaya lang she will give birth sila ang bagay sa thai heartrob na ito. Maja i dont think so. II like her, but she’s  too boring . sorry thats mmy opinion.

  10. Pingback: Thai teen heartthrob Mario Maurer, pakikiligin ang Pinoy fans! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.