Thai superstar Mario Maurer, bulilyaso ang paggawa ng pelikula sa ‘Pinas?!

TOTOO NGA KAYANG nabulil-yaso na ang planong paggawa ng movie ni Mario Maurer sa Pilipinas?

Naimbiyerna raw ang ini-endorse na clothing brand ni Mario nang alisin ang kanilang name sa isang event as sponsor.

Ang clothing brand ang magdadala kay Mario sa bansa bilang endorser at nakikisakay lamang daw ang isang network, bagay na parang hindi namin mapaniwalaan.

Ang alam kasi namin, may pag-uusap na nagaganap between Mario’s end and the network. Nakunan pa nga ng photo ang staff ng network kasama ang Thai superstar.

 

NAKAKALOKA ANG FAN ni Nora Aunor.

Minsan kasi tinukso ni Shalala si Kuya Germs sa radio kung nasaan na ang Nora Aunor. Pinag-uusapan kasi nila ang pagpapaayos ng Metropolitan Theater.

“O, nasaan na ang idol mo?” patutsada raw ni Shalala kay Kuya Germs.

May isang Chinese fan ni Nora ang sumugod sa radio show ni Kuya Germs at nagbigay ng tse-keng nagkakahalaga ng P60,000.

“’Eto, para kay Ate Guy,” sabi raw ng mayamang Chinese.

Naloka na lang si Shalala, Kuya Germs at Arnell Ignacio na naroon din noong mga oras na ‘yon.

 

NAKAKALOKA RIN ANG pag-amin ni Carlos Agassi na nagkaroon siya ng relasyon sa isang bading.

Ginawa ni Carlos ang pag-amin sa presscon ng Praybeyt Benjamin na pinagbibidahan ni Vice Ganda.

“The relationship made me a better person. Dati mainitin ang ulo ko, ‘di ko alam ang gusto ko sa buhay, happy-go-lucky lang ako,” tsika ng actor.

“Wala kayong dapat katakutan kasi tao rin sila, nagmamahal, minamahal, nasasaktan.”

Ayon kay Carlos, siya ang niligawan at bagets pa siya noon, mga seventeen pa lang.

“I enjoyed his company. ‘Yun naman ang importante. Sex follows,” sabi niya.

After about a year, naghiwalay rin sila ng kanyang gay lover.

“Nag-away kayo, nag-break kayo. Siyempre immature pa ako noon. Bata pa ako noon, about 17 or 18.”

Pero kahit hiwalay na, naging maganda naman ang relasyon ni Carlos sa kanyang ex-lover.

“Ngayon kung magkita kami ayos lang. Paminsan-minsan we bump into each other. Wala, we talk.”

 

BLIND ITEM: NAKAKALOKA ang mga nabasa naming comments about a female TV host-singer sa isang website.

Kung mababasa lang ng hitad ang mga reaction sa kanya ay tiyak na maiinis siya o manggagalaiti.

Sabi ng isang nag-post ng comment, masyadong feeling daw si TVHA. Ayaw raw nitong nasasapawan. Kapag may kasama nga raw siya sa production number ay gusto palaging mag-shine ng hitad. Kung hindi mag-adlib ay gagawa ito ng eksena para mapansin.

Sa daily show nga raw nito, pati ang magdyowa na kasama niyang hosts na nagbibiruan habang nasa ere ay tinatarayan daw niya on air. Pinagsasabihan daw niya ang mga ito na ilabas ang kanilang personal na relasyon sa show.

Da who ang TV host? Naku, panlalaki at pambabae ang tunog ng name niya! ‘Yun na!

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

9 thoughts on “Thai superstar Mario Maurer, bulilyaso ang paggawa ng pelikula sa ‘Pinas?!

  1. CONGRATULATIONS TONI G FOR A VERY SUCCESSFUL AND SOLD OUT CONCERT . PUNONG PUNO ANG ARANETA NG FANS. HAPPY 10TH ANNIVERSARY, EAT YOUR HEART OUT MARIEL RODRIGUEZ, CHIT RAMOS AND ALEX BROSAS. THE DEMOLITION JOB AND CHARACTER ASSASINATION THAT YOU STARTED AGAINST TONI DID NOT WORK. HA HA HA !

  2. How much did they pay you for Toni’s demolition, Alex ? Looks like you and Chit Ramos have sacrificed your integrity to put food on the table. Alam mo ba, dahil sa ginagawa mo, daig mo pa ang nagtinda ng laman. Nakakahiya ka. Kung may anak ka, turuan mo sila ng karapat dapat para mabuhay ng MARANGAL , hindi iyong NAKAW.

  3. Mukhang nabayaran si Alex Brosas kagaya ni Chit RAmos ng Mariel camp. Bakit maraming blind item si Toni ngayon na si Mariel ay sumali sa TV5. Mahirap ang mga GUTOM na writers. They will sacrifice their integrity para lang may makain. Mariel, play fair. Balimbing kang talaga. Pray na matanggap ka ng mga dati mong kasama sa Wowowee dahil inahas mo raw sila noong mawala si Willie sa ere. You protected yourself first maski may natapakan ka at nasagasaan just to keep your spot in Wowowee, na we all know, bumagsak rin. ALEX BROSAS IS NOT A CREDIBLE WRITER EITHER. THIS THING ABOUT MAURER IS ALL A PACK OF LIES AND IS ALL MADE UP . SANA ANG PARAZZI SHOULD SCREEN THEIR WRITERS. MAKE SURE THEY HAVE THE NECESSARY EDUCATION HINDI LANG MASKI SINO NA MARUNONG MAG-TYPE ANG KINUKUHA NILA.

  4. Erich Gonzales & Mario Maurer MOVIE!

    Mga fans ni Kim ang dapat sisihin pag di natuloy ang movie na ‘to! First of all, hindi naman kasali si Kim sa top choices, it’s originally Erich Gonzales, Sarah Geronimo, and Anne Curtis.

    Pinagsiksikan na lang ng mga fans ni Kim ang idol nila dahil di ma-take na wala sa choices ang idol nila! hello diba may movie na sya with Vilma Santos? na ipinagmamayabang tapos sinasabi na mas maganda pa to kaysa sa Mario Movie pero pilit inaaway ang @PublicityAsia nung nalaman ng top choice si Erich, required by Star Cinema, and specifically handpicked by Mario himself!

    PATHETIC! that’s all i can say. pati si Erich sinisiraan sa @PublicityAsia pero wala pala sila eh, ayan tuloy si Kim ang mas napasama dahil sa mga Erich fans, grabe and dalawang fansclub ni Erich & Kim!

    So parang nagdadalawang isip na silang Ituloy ang movie dahil dito! pero no, it would be unfair for Erich to loose this! kasi kung di man makuha ni Erich ‘to wait na naman for next year the follow up EnRich movie. si Kim di man nya makuha meron naman syang movie with Ms. Vilma Santos. Pero there’as a big possibility naman na di to mapupunta kay Kim, hello kaya nga Filipino-Thai movie and please Erich is way better than her.

  5. bakla! imbento ka ng storya mo! hahahah! kakapirma lang ng ABS-CBN ng coverage rights para kay mario maurer! at pag dating nya sa pinas eh pipirma na sila sa star cinema! magkasundo ang mga tao sa penshoppe at abs-cbn! kaya tumigil ka bakla sa imbento mo! palibhasa isa kang kaysuka reporter! inutusan lang bumili ng suka reporter at writer na! PWE!!! mga mukha kayong pera! dfapat kayo ang inaanod sa baha! hahaha

  6. Pingback: Thai superstar Mario Maurer, bulilyaso ang paggawa ng pelikula sa ‘Pinas?! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.