Thai Chaiyong, na-TKO sa 9th round Ilonggo Boxer Cuello, May Tsansa Sa WBC

MAY TSANSA NA si Ilonggo boxer Denver “Excitement” Cuello sa World Boxing Council makaraang magwagi kontra Samat Chaiyong ng Thailand sa kanilang laban kahapon sa Angono, Rizal.

Pinatulog ng 105 pounds na Pinoy boxer ang Thai boxer sa ika-siyam na round.

Ayon kay Aljoe Jaro, ang panalo ni Cuello kontra Chaiyong ay maghahatid sa kanya para mabigyan ng tsansa sa world title.

Una nang umapela si Jaro kay World Boxing Council (WBC) secretary general Mauricio Sulaiman na bigyan ng konsiderasyon si Excitement na makalaban ang sinumang mananalo sa Kazuota Ioka-Juan Hernandez bout.

Ang Hapones na si Ioka ay nakatakdang idepensa ang kanyang WBC belt at sakaling manalo ay tiyak na lalaban pa sa heavier weight, dahilan para mabakante ang kanyang titulo na tsansa naman para kay Cuello.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.