Text nang text ‘pag may kailangan: Sexy Actress, dedma ‘pag siya ang nilalapitan!

KINSA SIYA? SINO itong hindi na kabataang sexy actress at medyo mashubiz or mataba na sa ngayon ang kinaiimbyernahan ng isang staff ng isang talkshow?

Ang kuwento, kinukontak daw kasi nila itong si sexy actress para interbyuhin sa kanilang show, pero hindi naman sumasagot ng text o tawag. Ilang araw na raw itong tini-text ng staff ng show, pero hindi ito nagre-reply. Kapag tinatawagan naman ay nire-reject nito.

Pagtataray pa nang staff, “Eh bakit ‘pag siya ang nanghingi ng tulong, text siya nang text.” Baka naman walang load pang-text ang sexy actress na ito, ang depensa namin para sa sexy actress.

Ang sagot naman ng staff, “Tse, eh kakatapos lang kaya ng isang serye na kasama siya, may load ‘yun, at nakalinya ‘yun for sure. Umaarte lang!” Naku ha, mahirap nang magisa. May ganu’n?

(By Arniel Serato)

loading...

4 thoughts on “Text nang text ‘pag may kailangan: Sexy Actress, dedma ‘pag siya ang nilalapitan!

  1. Pingback: Text nang text ‘pag may kailangan: Sexy Actress, dedma ‘pag siya ang nilalapitan! – The best way to stay tuned to social networking's many advantages

Leave a Reply

Your email address will not be published.