Text messages ni Vhong kay Deniece, nakuha na ng NBI

NAKUHA NA ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lahat ng text messages ni Vhong Navarro kay Deniece Cornejo.

Ayon kay Alma Mallonga, abogado ng Actor-TV Host,  may ginawang pamamaraan ang NBI para muling makuha ang lahat ng text messages na ipinadala at natanggap ni Navarro mula kay Cornejo.

Pero ayon kay Mallonga, hihingi pa rin sila ng confirmatory record mula sa telecommunication companies.

“Na-retrieve namin lahat-lahat ng text messages at we know for a fact that text messages have been sent and recieved… lahat yun nakukuha dun sa phone,” pahayag pa ng abogado.

Inihayag din ni Mallonga na nakakuha rin sila ng kopya ng closed circuit television (CCTV) footage noong Enero 22 na nagpapakitang 30 minuto bago dumating ang aktor sa condo unit ni Cornejo ay umakyat sa ikalawang palapag si Bernice Lee at dalawang lalaki.

Pero, nang bumaba si Bernice ay hindi na kasama ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang nambugbog kay Navarro.

Sinabi ni Mallonga na sinusuportahan lamang nito ang pahayag ni Vhong na mayroon na siyang nadatnang dalawang lalaki sa condo unit ni Cornejo nang umakyat ito.

Meron din aniyang kuha ng CCTV na matapos ang pag-alis ng aktor sa condo unit ni Cornejo noong Enero 17 ay umakyat sa ikalawang palapag si Cedric at iba pang dawit sa umano’y pambubugbog kay Navarro.

Ayon kay Mallonga, masaya ang kanyang kliyente sa takbo ng kaso.

Maaalala na nauna nang ibinasura ng Taguig Regional Trial Court (RTC) ang hirit na temporary protection order ni Cornejo kontra kay Navarro sa unang paghaharap ng dalawang panig sa korte.

Nakatakda naman ang susunod na pagdinig sa Pebrero 21 kung saan pinagsusumite na ng kanilang counter-affidavits ang mga respondent sa nasabing kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.