Testimonya ni Tuason, ‘bullseye’ – Miriam

KUNG “SLAM dunk” ang naging termino ni Justice Sec. Leila De Lima, tinawag namang “bullseye” ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang mga testimonya ni Ruby Tuason, ang panibagong witness na aniya’y tiyak na walang kawala ang mga dawit sa multi-bilyong pork barrel scam kabilang na sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Juan Ponce Enrile.

Ang senadora ay dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kung saan tinawag nitong “perfect witness” si Tuason dahil “eye witness” o personal nitong nakita ang anomalya na kinasasangkutan ng ilang senador.

Partikular na tinukoy ng mambabatas ang testimonya ni Tuason nang ibunyag na personal nitong hinatid ang pera sa tanggapan ni Sen. Estrada sa Senado, at siya rin ang personal na nagbigay ng pera para kay Enrile sa pamamagitan ng chief of staff na si Atty. Gigi Reyes bilang kickbacks ng PDAF scam mula kay Janet Lim-Napoles.

Sinabi ni Santiago na kahit pa patayin si Tuason ay mananatiling buhay ang sinumpaan nitong salaysay na magdidiin sa mga naturang akusado.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.