Testimonya ni De Lima, sabi-sabi lang

IPINAGPATULOY KAHAPON ang pagsalang kay Justice Sec. Leila de Lima bilang testigo ng House prosecution panel.

Si De Lima ay witness para sa article 7 ng impeachment complaint o ang isyu ng Supreme Court (SC) TRO laban sa kanilang inihaing watchlist order (WLO) laban kina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Tinanong ni defense lawyer at dating Justice Serafin Cuevas ang kalihim ukol sa natanggap nitong kopya ng TRO at opinyon dito ni SC Justice Maria Lourdes Sereno.

Hiniling ni defense lawyer at dating Justice Serafin Cuevas na alisin sa rekord ng Senate Impeachment Court ang mga salaysay ni Justice Sec. Leila de Lima bilang testigo dahil sa pagiging “hearsay” lamang umano ng mga ito.

Sinabi ni Cuevas na ang mga sinasabi ni De Lima ay bahagi ng dissenting opinion ni Justice Maria Lourdes Sereno at walang direktang kaugnayan sa DoJ.

Samantala, mariin naman itong kinontra ni prosecutor at Northern Samar Rep. Raul Daza. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Testimonya ni De Lima, sabi-sabi lang

  1. Pingback: Testimonya ni De Lima, sabi-sabi lang - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.