Testigong Parak sa Pagkamatay ng Ozamis Group Leaders, Tinakot

TINAKOT LAMANG para tumestigo ang lumutang na pulis laban sa mga kasama niyang inaakusahang sangkot sa pagpaslang sa lider ng Ozamiz robbery group, ayon sa abogado ng mga akusadong pulis.

Ipinakita ni Attorney Salvador Panelo, abogado ng mga kinasuhang pulis mula sa PNP 4-A, ang unang affidavit ng sinasabing salarin na naging testigo ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Lumalabas na tumalon ang witness mula sa van kung saan nakasakay ang mga pinuno ng Ozamis gang na sina Ricky Cadavero at Wilfredo Panogalinga, at nakipagbarilan sa mga salarin na nakamotorsiklo.

Taliwas daw ito sa sinabi ni Secretary Mar Roxas na walang nakitang motorcycle rider ang testigo na nagpaputok sa van.

Sinabi ni Panelo na hindi lang sa unang affidavit nagbago ang salaysay ng testigo.

Dagdag pa ni Panelo, tinakot ang pulis para maging testigo mula nang ihiwalay siya sa mga kasamahan niya sa CALABARZON-PNP.

Hinihintay pa ng mga akusadong pulis ang isinampang kaso ng DILG.

Samantala, pinapapunta na rin ng NBI ang nasabing testigo sa kanilang himpilan. Sa mga nasangkot na pulis sa pagpatay, siya na lang ang hindi pa nagbibigay ng affidavit sa NBI.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.