Testigo ng prosekusyon, ikinanta si Cong. Banal

IKINANTA NG testigo ng prosekusyon na si PS Bank branch manager Anabelle Tiongson na nilapitan siya ni Quezon City Rep. Jorge “Bolet” Banal sa kanilang branch para magpatulong noong Jan. 31.

May ipinakita sa kanya si Banal na ilang dokumento na naglalaman ng photocopy signature card at ilang dollar account ni Chief Justice Renato C. Corona.

Ang dokumentong ito ay kahalintulad ng mga dokumentong hawak ng prosekusyon na kanilang ipina-subpoena sa impeachment court.

Ayon pa kay Tiongson, nilapitan siya ni Banal bago pa man siya utusan ng kanilang presidente na i-forward sa opisina ang mga dokumento.

Nabigla pa diumano si Tiongson kung bakit may hawak na ganoong dokumento si Banal. Nang tanungin niya si Banal kung saan nito nakuha ang mga dokumento. Sinabi umano nito na, “We’ll I tell you if you help us”.

Sinabi naman ni Atty. Tupas na hindi umano nito alam na may hawak na ganoong dokumento si Banal bago pa man mapasakamay ang dokumentong katulad ng kay Cong. Umali na galing naman sa isang “small lady”. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.