Testigo ng COMELEC sa Kaso ni GMA, Nawawala

 

NAWAWALA ANG isa sa mga vital witness ng Commission on Elections (Comelec) sa kasong electoral sabotage laban sa dating pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo at iba pa.

Ayon kay Atty. Maria Juana Valeza, isa sa mga lead counsel ng Comelec, nakausap pa niya noong isang gabi si da-

ting Tandag, Maguindanao election officer Russam Mabang, pero wala na ito kanina sa safehouse nang kanyang ipasundo.

Tetestigo sana si Mabang sa Pasay City Regional Court kasama si dating Maguindanao Provincial Administrator Norie Unas kaugnay sa petisyon ng dating Pangulo na makapagpiyansa.

Itinuturing si Mabang na mahalagang testigo sa kaso dahil kailangan ang testimonya nito para tumayo ang magi-ging testimonya naman ni Unas na sinasabing magpapatunay ng koneksiyon nina Arroyo at dating Maguidanao Governor Andal Ampatuan Sr. sa sinasabing dayaan sa halalan noong taong 2007.

Hindi naman naiharap ng Comelec sa korte si Unas dahil mayroon umanong banta sa buhay nito.

Dahil wala ang dalawang testigo, hiniling ng Comelec ang tatlong araw para maiharap ang mga ito, pero hindi na pumayag ang korte at inatasan ang magkabilang panig na magsumite na ng final offer of evidence sa darating na Lunes, Hunyo 4. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Testigo ng COMELEC sa Kaso ni GMA, Nawawala

  1. Kaya nawawala ay dahil pinilit lang ng comelec mag witness, so ayaw talaga.
    Paano yaan, ano ito kunwari kunwarian lang parang laruan? ganyan ang partido panot.

Leave a Reply

Your email address will not be published.