Terrorist Bombers, Nasa Kamaynilaan

PINANGANGAMBAHANG NASA Kamaynilaan na ang mga teroristang Abu Say¬yaf, Jemaah Islamiyah (JI) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) para magsagawa umano ng kaguluhan at  pambobomba.

Ayon kay Saji Mukamad, nagpakila¬lang kasapi ng BIFF na umano’y sinanay ng JI sa terorismo, ilan sa kanilang miyembro ay nasa Metro Manila na may planong magsagawa ng test mission.

Una nang ibinulgar ni NCRPO Director P/Chief Supt. Marcelo Garbo Jr., na ilang kasapi ng Abu Sayyaf ang na-monitor ang presensya sa Metro Manila pero sinabing nagre-rest and recreation lamang ang mga ito matapos na magsitakas sa Mindanao.

Samantalang ang JI terrorists na nagsisipagtago sa Mindanao at kaalyado ng Abu Sayyaf ay dati nang nasangkot sa ilang insidente ng pambobomba sa Metro Manila noong 2004 at 2005.

Una nang sinabi ni Senate Minority Leader Juan Ponce-Enrile na hindi umano malayong ang serye ng pambobomba sa Mindanao Region ay umabot sa Kamaynilaan.

Inihayag ni Enrile na hindi na maituturing na isolated case ang nangyaring sunud-sunod na pagpapasabog

sa Mindanao lalo pa’t may panibagong insidente na nangyari sa Midsayap.

Kung bunga umano ng terorismo ang mga bombings ay hindi talaga mala-yong dumating ito sa Metro Manila.

Sinabi pa ni Enrile na isang national security problem na ang nangya¬ring serye ng pambobomba sa Mindanao kaya dapat magtulungan na ang lahat ng kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.

Bilang reaksyon sa posibleng spillover ng bombing sa Kamaynilaan, sinabi ni Garbo na wala silang security alert na galing sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.