Terror threat sa NCR sa Semana Santa, itinanggi ng AFP

TINIYAK NG Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang anumang banta sa seguridad na natatanggap ang kanilang intelligence team sa buong bansa para sa Semana Santa.

Sinabi ni AFP spokesman Col. Arnulfo Burgos Jr. na mananatiling nakaalerto ang militar bagama’t wala namang dapat ikabahala ang mga bakasyunista.

Kaugnay nito, ipinauubaya na lamang sa mga area commanders ang pagtaas ng alerto kung kinakaila-ngan.

Pinabulaanan din nito ang ulat na balak ng mga teroristang grupo na maghasik ng lagim sa National Capital Region (NCR) gaya ng Rajah Soliman at Abu Sayyaf group (ASG).

“Sabi ko nga wala ka-ming na-monitor, our vigilance will remain well also initiate proactive measures to make sure there is going to be peaceful commemoration of Lenten season kasama na dito ang intel gathering networking with other security forces law enforcement agencies marami ‘yan ‘di ko maano detalye for operational security” ani Burgos.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.