Terror suspek na Pinoy sa Malaysia, laya na

NAKATAKDA NA umanong mapalaya ngayong linggo ang isang Pinoy na naakusahang kasapi ng isang terror group sa bansang Malaysia.

Base sa report, kinilala ni Malaysian Home Minister Datuk Seri Dr Ahmad Zahid Hamidi ang Filipino national na si Muadz Hakim, na unang nadakip at nakulong nang mahigit dalawang taon.

Si Hakim ay kasama sa lima pang pinaghinalaang kasapi ng terrorist group.

Matapos madakip noong November 2011, ikinulong ang mga salarin sa Kemunting Protective Detention Centre sa bayan ng Taiping sa northern Perak.

Kinilala pa ang ibang salarin na sina Adzmi Pindatun, Mohd Nazri Dollah at Bakar Baba na pawang mga Malaysians; at Indonesians Darto Bandu at Muhammad Adnan Umar.

Ayon pa rin sa ulat, ang pag-aresto sa mga ito ay base sa bisa ng Internal Security Act (ISA) ng Malaysia, kung saan pinapahintulutan ang pagdakip ng mga kinauukulan kahit walang warrant of arrest.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.