Terorismo, didiinan ng gobyerno

HINDI PAKITANG-TAO AT ningas-kugon lamang ang gagawing pagbabantay ng pamahalaan kontra terorismo.

Ito ang ipinahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Atty. Abigail Valte na makaaasa umano ang taumbayan na mananatiling agresibo ang mga security officials sa kanilang pagbibigay ng mahigpit na seguridad sa mga ito.

Nauna rito, tinuran ni Usec. Valte na may natutunang leksiyon ang pamahalaan sa mga ipinalalabas na travel advisory ng iba’t ibang bansa laban sa Pilipinas, lalo na sa rehiyong Mindanao dahil sa usapin ng terorismo.

Kabilang aniya rito ang pagiging alerto sa lahat ng oras kahit walang terror threats.

Samantala, welcome naman sa Malakanyang ang pahayag ni US Ambassador to the Philippines Harry Thomas Jr. na ligtas mamasyal sa Pilipinas sa harap ng mga banta ng terorismo.

Ang US ay isa sa mga bansang naglabas ng travel alert, pero nililinaw naman ni Thomas na walang nakasaad sa nasabing babala na bawal bumiyahe sa Pilipinas.

(Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.