Tensyon sa Scarborough ‘Pinas, humingi ng saklolo sa UN

PORMAL NA idudulog ng Pilipinas sa United Nations (UN) ang tensyon sa Scarborough Shoal.

Sa isang pahayag, si-nabi ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario, iniimbitahan nila ang Chinese government na samahan sila sa International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS) para roon pag-usapan ang problema.

Sinabi ni Del Rosario na layon ng kanilang inihaing reklamo na matuldukan na kung sino ang tunay na may soberenya sa mga karagatang nasa paligid ng Scarborough Shoal kung saan naroon ang barko ng bansang Tsina.

Alam naman umano ng mundo ang puwersa ng Tsina kumpara sa ating bansa pero umaasa silang mapatunayang mas makapangyarihan ang international law para pagpantayin ang lahat na mga bansa.

“The whole world knows that China has myriad more ships and aircraft than the Philippines. At day’s end, however, we hope to demonstrate that international law would be the great equalizer. In pursuing a peaceful settlement of the Scarborough Shoal issue, we fully intend to humbly invite our Chinese friends to join us in the International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS). The purpose of the exercise will be to ascertain which of us has sovereign rights over the waters surrounding Scarborough Shoal where Chinese ships are currently engaging in illegal activities within the Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ),” ayon kay Del Rosario.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.