Tensyon Sa MILF At BIFF, Lalong Umiinit; 30 Pamilya Lumikas

MISTULANG MALAYO pa ang lalakbayin ng mga residente sa Mindanao para makamit ang kapayapaan kahit pa nalagdaan na ang framework of agreement sa pagbuo ng Bangsamoro.

Sa kasalukuyan, nangangamba ang mga sibilyan para sa kanilang kaligtasan bunsod sa lalong umiinit na awayan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Brgy. Libutan, Mamasapano, Maguindanao.

Tinatayang mahigit 30 pamilya ang nagsilikas sa lugar dahil sa takot na maipit sila sa labanan ng dalawang magkalabang grupo.

Nabatid na dahil sa away sa teritoryo, sumiklab ang labanan sa pagitan ng dalawang grupo na naging resulta sa pagkamatay ng 2 MILF habang 4 ang sugatan sa panig ng BIFF.

Inihayag ng BIFF na nagkasundo na umano sila ng MILF na umalis ang mga ito sa nasabing lugar dahil sa kanila ang nasabing teritoryo subalit hindi tumalima ang mga ito.

Giit naman ng MILF na sa kanila ang pinag-aagawang teritoryo. (EC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.