Tennis Player sa Palarong Pambansa, Na-Dengue

KASALUKUYANG INOOB-SERBAHAN sa intensive care unit ng Pangasinan Provincial Hospital ang isang 12-anyos na lalaki nang tamaan ito ng Dengue.

Kinilala ang biktima na si John Bryan Opico, mula sa Bukidnon o Region 10.

Nilinaw naman ng nasabing ospital na hindi sa nasabing lalawigan nakuha ni Opico ang sakit habang sinabi ng kanyang coach na si Elmo Serano na mainit na ang biktima habang nagbibiyahe sila.

Dagdag ni Serano, hindi nila inaakalang Dengue ang sakit ng batang atleta at umaasang bubuti ang karamdaman nito pagsapit sa Pangasinan.

Si Opico ay kalahok sana sa laban ng lawn tennis. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.