Tenga ng police official, muntik matanggal sa kawatan

KASALUKUYANG GINAGAMOT ANG isang police official ng PNP-Cordillera makaraang muntik nang matanggal ang tenga nang saksakin ng hindi pa nakikilalang kawatan sa Baguio City.

Kinilala ang biktima na si Chief Insp. Enrique Sagaydo Ennangen, nakadestino sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.

Sa salaysay ni Ennangen, nangyari ang insidente noong Lunes ng hapon sa Otek St. sa siyudad ng Baguio.

Naglalakad ang opisyal sa parking area sa Chanum St. nang biglang hablutin ng suspek ang cellphone ng kanyang misis.

Dahil dito, sinuntok ni Ennangen ang suspek kaya agad ding naisauli ang ninakaw na cellphone.

Gayunman, sa hindi inaasahang pangyayari sumunod pala sa kanila ang lalaki at bigla na lamang nitong sinaksak sa ulo si Enrique ngunit ang tenga nito ang natamaan. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.