Ten! Ten Ten! Para sa Ilog Pasig!

Takbo para sa kalikasan! Ito ang naging sigaw ng ating kababayang, ano man ang estado sa buhay sa ginanap na 10.10.10 Run for Pasig River nitong nakaraang Linggo sa SM Mall of Asia sa Pasay. Sa mahigit 140,000 runners na lumahok sa event, nagkakaisa ang lahat para matugunan ang patuloy na pagsagip sa ating Ilog Pasig. Kasama rito ang mga celebrities na sumusuporta sa kagustuhan na muling mabuhay ulit ang sigla ng ating namatay na ilog. Sabi nga, isang world record event.

Pero paalala sa mga Pilipino. Ano ba talaga ang mas gugustuhin natin? Na palagi na lang ba tayong sasali sa nauso nang fun run at makasali sa mga record breaking event?! O mas gusto nating kumilos tayong lahat para umunlad? Sana ay ‘wag nating takbuhan ang responsibilidad nating mga Pinoy at ituloy lang natin ang pagtakbo sa magandang pagbabago.

By Jet Bentulan

Photos by Mark Atienza & Ricky Agapito

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleSa break-up nila ni KC Concepcion: Rico Blanco, ‘di pa rin nakaka-move on?
Next articleGerald Anderson at Kim Chiu, gimik lang ang pag-iyak?!

No posts to display