Temporary Suspension Kontra CebuPac, Pinag-aaralan

PINAG-AARALAN NA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang posibleng pagpataw nang temporary suspension laban sa kumpanyang Cebu Pacific, habang nakabinbin ang ginagawang pagsisiyasat sa pagsadsad ng eroplano nito sa Davao International Airport (DIA).

Ayon kay CAAP director general William Hotchkiss III, mas lumakas ang anggulong “pilot error” ang sanhi ng insidente.

Tiniyak din ng opisyal na ilalabas nila ang resulta ng pagsisiyasat sa lalong madaling panahon.

Kaugnay nito, inatasan na rin ng CAAP si DIA general manager Frederick San Felix na magsumite ng ulat hinggil sa insidente.

Kinumpirma rin ni Hotchkiss na naipadala na sa Singapore ang flight data recorder o mas kilala bilang “black box” ng eroplano para sa karagdagang pagsusuri.

Samantala, tinukoy ng opisyal na nakapaloob sa black box ang mga vital informations, katulad nang pinakahilong komunikasyon ng control tower sa piloto ng eroplano.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.