Temporary shelters para sa mga OFW,dinagdagan

NAGDAGDAG PA ng temporary shelters ang Philippine Consulate General para sa tinatayang 1,000 mga “undocumented” Filipino workers sa Jeddah, Saudi Arabia.

Base sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA), dalawang temporary shelters ang inilaan ng gobyerno na maaaring

mapaglipatan ng mga kababayan na ngayon ay pansamantalang nakikisilong sa itinayong “tent city” sa labas ng konsulada.

Ang naturang temporary shelters ay maaari umanong maka-accommodate ng 200 OFWs.

Kaugnay nito, tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tuloy pa rin ang tulong ng gobyerno sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa kabila ng pagtanggi ng mga ito na lumipat sa inaalok na housing facility ng Philippine consulate sa Jeddah, Saudi Arabia.

Una rito, sinabini DFA spokesperson Raul Hernandez na 14 lamang sa tinatayang nasa 1,000 mga undocumented OFWs ang tumalima sa apela ng gob-yerno para lumipat ang mga ito sa mas ligtas na lugar.

Ayon pa sa opisyal, sa nasabing bilang, kasama rito ang pitong babae at pito nilang mga anak.

Samantala ay hinihintay pa ng DFA ang tugon ng Saudi Arabia kaugnay sa apela para mapabilis ang pagpapauwi sa mga kababayan.

Sinabi ni Asec. Hernandez na naiparating na sa Saudi Arabia’s Foreign Ministry ang hirit ng pamahalaan na alisin na ang mga mandatory fines at iba pang requirements para sa pag-uwi ng mga kababayan.

Hiniling din aniya ng embahada na mabigyan ng proteksyon ang mga distressed Filipinos sa Jeddah at iba pang bahagi ng rehiyon.

Sa ngayon, napag-alaman na kailangan ng tinatawag na “no-objection certificate” o NOC mula sa kanilang employers ang isang overseas Filipino worker para ito makakuha ng exit visa at makalabas ng Saudi Arabia.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.