Teleserye nina Gretchen Barretto, Angelica Panganiban at KC Concepcion, ‘di na tuloy!


NEXT WEEK, pagbalik ni John Lloyd Cruz mula sa screening ng blockbuster movie nila ni Angel Locsin na UnOfficially Yours sa Amerika, nakatakda na ang story conference ng part three ng pelikulang muling pagsasamahan nila ni Sarah Geronimo na siguradong marami na ang matagal nang naghihintay.

Gaya ng aming naisulat noon, makakasama nina John Lloyd at Sarah ang pinakabagong Kapamilya star na si Iza Calzado.

After the story con, may look test ang dalawa sa darating na March 2.

As early as now, may scheduled shooting days na sina JLC at Sarah.

 

DUMATING PALA mula Dubai si Phil Young-husband nu’ng Friday, kaya pala marami ang nakakita at natuwa nang makita sila ni Angel Locsin na magkasama sa Redemptorist o Baclaran church.

Pero hindi pa raw yata napapanood ni Phil ang bagong movie ng aktres.

Bukod naman sa sitcom na Toda Max sa Dos na kinabibilangan ni Angel, mag-uumpisa na rin s’yang mag-taping ng kanyang susunod na teleserye late next month.

 

HINDI NA raw tuloy ang teleseryeng Alta na dapat sana ay pagsasamahan nina Gretchen Barretto, Angelica Panganiban, KC Concepcion, Sam Milby, Zanjoe Marudo at Luis Manzano dahil hindi raw magkatugma-tugma ang schedules ng mga ito.

Lumipad na ng Amerika si Sam para i-pursue ang kanyang Hollywood dream, habang may mga kanya-kanyang shows na gagawin sina KC at Luis sa ABS-CBN din.

Si Angelica naman ay busy pa rin sa Banana Split at sa pelikula nila ni Piolo Pascual.

Well, hindi man natuloy ang Alta, may kapalit agad na gagawin si La Greta na ang working title raw ay You’re Always In My Heart with Albert Martinez and Kathryn Bernardo na kukunan pa sa Middle East, gaya ng teleserye rin nina Jake Cuenca at Shaina Magdayao na Doha.

Like Alta, hindi na rin daw tuloy ang remake ng Esperanza na dating pinagbidahan ni Judy Ann Santos na dapat sana ay bibigyang-buhay naman ni Kathryn.

Makakapareha sana ng batang aktres ang baguhan ding si Khalil Ramos na runner-up sa Pilipinas Got Talent.

 

NAALIW KAMI nang ipakilala bilang newest Bench endorser ang Pretty Little Liars star na si Lucy Hale dahil present sa audience ang kapangalan n’yang si Congresswoman Lucy Torres-Gomez at ang anak nila ni Richard Gomez na si Julianna at mga kaibigan nito.

Nakatutuwang makita si Julianna na kinukunan ng video mula sa kanyang cellphone ang idolo n’yang Hollywood star habang rumarampa.

Lumalapit pa talaga sa stage ang anak nina Lucy at Goma at ang mga kaibigan nito.

After the launch of Lucy, kasunod namang ipina-kilala ni Ben Chan one week later ang isa pang international star na si David Archuleta as Fix Bench Salon endorser.

 

PERSONAL: BELATED happy birthday sa butihin kong ina na si Evelyn Simeon, at sa pinsan kong si Celso San Diego Cruz, Jr.

 
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

14 thoughts on “Teleserye nina Gretchen Barretto, Angelica Panganiban at KC Concepcion, ‘di na tuloy!

  1. How true naman kaya na ang talagang dahilan, ayon sa grapevinezzz, ay iyong INTELLECTUAL property issue na naman ang dahilan kaya hindi natuloy ang ALTA. Hindi na raw magkanda-ugaga ang network ng kapamilya sa mga bayarin kaya hindi na kinaya ang copyright price ng Alta. Well, may katwiran naman na mag worry ang network, magsisimula ngayon taon ito kasi ang AMORTIZATION o paghuhulog sa napakalaking bilyones na payables ng network sa may mother ignacia!

  2. cancel ang teleserye dahil rated r at mga immoral na mga babae  ang babagay na roles sa tatlong laos na putacheng na yan. 

  3. Ayyyy, hindi naman pala blockbuster yung movie nina John Lloyd Cruz na Unofficially Yours. Dun nga sa Box Office Mojo Philippines, hindi mailagay yung kinita dahil sa true lang, naka P4.8million lang nung first day showing ang movie na Unofficially Yours.

  4. sus maryosep…nag correct pa ang isang tanga…sympre plural nang women ay womens! row 4 ka talaga…
    anyways these womens are cocksuckers ! thats there common denominators!agree kayo mga engngot!

  5. Wala naman sa kanila ang tunay na socialite. Ang mga totoong elitista hindi nag-aartista dahil nababaduyan sila. Mas inuuna pa nila ang pagpapayaman at pag-asikaso sa mga negosyo. Kung meron man gaganap na mga ganyan sa teleserye ang importante dyan ginagawang makatotohanan. Kagaya ng pag ganap ni Jennylyn Mercado sa ROSARIO hindi naman siya pinanganak na sosyal pero nagagampanan naman niya ng maayos. Magagaling naman silang mga artista mapa kapuso o kapamilya o kapatid.

  6. sayang naman yung alta, dapat ginawa na yun tapos ipapalit si iza kay kc pero dapat mawala si angelica kasi hindi bagay sa kanya ang alta, mukha syang trying hard maging alta, sina hretchen , dawn at iza sana ang ideal kaso di naman pwede sina gretchen at dawn kasi may alitan sila. sayang talaga, para naman makapanood tayo ng true socialite teleserye hindi tulad ng kapuso Legacy na mga social climbers ang mga bida, mukhang mga pulubi kahit magbihis mayaman ( hello, lovi and alessandra).. 

  7. hahaha… laugh trip sa womans… anyway, sayang naman kung di matutuloy ang alta, parang maganda ang concept. maraming matatamaan, hihihi, dami na ksaing social climber nowadays eh…

Leave a Reply

Your email address will not be published.