Teenstar, ‘Cynthia’ ang dating sa isang showbiz reporter!

KINSA SIYA? Sino itong teenstar kuno ng isang istasyon na pinagtatawanan nang palihim ng ilang mga media personnel na nagko-cover sa mga events? Ang siste, sa isang event kung saan wala pang masyadong maraming artistang dumating ay nag-interview muna ang mga reporters sa kung sino man ang nandu’n na mga showbiz personalities.

Itong isang media personality ng isang network ay nakisawsaw sa isang interview kung saan hindi niya masyadong kilala ang kinapanayam. Larga lamang ang drama niya dahil wala pa ngang makausap. So dahil na rin sa dami ng taong nandu’n sa venue ay super nagsiksikan ang mga media.

Maya-maya pa ay dumating itong isang reporter na medyo maingay at akala niya siguro ay na-scoopan na siya ng mga nauna nang showbiz reporters sa kanya kaya nang makita niyang may pinagkaguluhan ang kanyang mga kasamahan ay pahangos siyang sumugod at isiniksik ang kanyang mikropono. Nang maalimpungatan na siya (ang showbiz reporter) mula sa kanyang pagmamadali ay napatingin ito sa kanyang kasamahan at nagtanong, ‘Kuya, sino itong ini-interview n’yo?’

Gustong matawa ng kanyang tinanong pero nagpapigil na lamang ito at unti-unting tinanggal ang kanyang mic at lumayo na sa ini-interview. Ayaw rin kasi niyang matawa sa tanong ng kanyang kasamahan.

(By Arniel Serato)

 

loading...

4 thoughts on “Teenstar, ‘Cynthia’ ang dating sa isang showbiz reporter!

  1. halata wala na maisip tong reporter normal naman yan sa event madami di kilala ang umaatend news worthy naba ito hehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.