Teejay Marquez to snatch Kylie Padilla away from Aljur Abrenica?!

HOW TRUE ANG nakarating na chika sa amin na may matinding crush daw ang baguhang teen actor na si Teejay Marquez kay Kylie Padilla? Very vocal pa nga raw sa pagsasabi nito si Teejay sa kanyang mga kaibigan.

Magkasama sina Teejay at Kylie sa Sunday teen show na Tween Hearts, gayundin sa Blusang Itim sa Dramarama sa Hapon sa GMA-7, kaya madalas na nagkikita at nagkakausap ang dalawang teenstars na ito.

Eh, paano na si Aljur Abrenica na natsi-tsismis ding boyfriend na ng dalaga ni Robin Padilla?

Hindi pa man kasi umaamin sa real score nilang dalawa sina Kylie at Aljur Abrenica, nailabas na natin dito sa Pinoy Parazzi ang kakaibang ‘closeness’ ng dalawa na huling-huling sabay na dumating nang magka-holding hands sa isang show sa Zirkoh sa Tomas Morato, Quezon City kamakailan lang, at sabay pang umuwi sakay ng iisang kotse.

Mukhang magkakaroon ng true to life love triangle ‘pag ipinagpilitan nga nitong si Teejay ang kanyang nararamdaman kay Kylie, kung sakali.

Pero sabi naman ng ilang malalapit kay Teejay, hanggang crush lang naman ang nararamdaman niya kay Kylie sa ngayon. Mas priority raw muna ng tinaguriang TV’s newest teen heartthrob ang bumobongga niyang showbiz career. Patuloy nga kasi ang pag-angat ng popularity ng TV at print model. Sa maikling panahon kasi mula nang lumabas siya sa Tween Hearts, dinagsa ang Facebook account niya nang bonggang bongga. Umabot na nga raw siya sa apat na accounts para lamang ma-accommodate ang lahat ng gusto siyang maging friend sa FB. Hindi lang ‘yun, pati ang Twitter account daw niya eh, dumami ang kanyang followers.

Personal choice din pala siya ni Kuya Germs na maging teen co-host niya sa Walang Tulugan with the Master Showman. Knowing Kuya Germs, may mata ito sa mga star quality na talents.

Well, hindi naman malayong magtagumpay si Teejay sa showbiz, very humble kasi ito at marunong makisama sa lahat ng klase ng tao. ‘Yun na!

 

BLIND ITEM: MAYROON palang hindi kanais-nais na sikreto ang kontrobersiyal actor-singer, na tiyak na ikasisira ng kanyang career kapag nabulgar. Ang sikreto niyang ito rin pala ang dahilan kung bakit nananatili itong tahimik sa isyung kinasasangkutan niya at ng kanyang ex-partner.

Naging malaking kontrobersiya kasi ang paghihiwalay nila ng kanyang dyowa, kaya’t pinagpiyestahan din ng mga showbiz reporters.

Kung ilang ulit nangako ang girl na may malaki itong pasasabugin sa hiwalayan nila, pero lagi itong nauudlot. Hanggang sa nagsalita nga rin ito, pero si actor-singer, nanatiling tikom ang bibig.

Side nga lang ni girl ang nalaman ng publiko sa kontrobersiyal nilang hiwalayan. Ni hindi sinusugan o itinanggi ni lalaki ang mga sinabi ni girl. Ang dahilan, alam kasi ni singer-actor na kapag nagsalita pa siya, o itinanggi niya ang mga pinagsasabi ni girl, baka tuluyan ngang mabunyag ang mga ‘kabulastugan’ niya.

Ano ang kabulastugan ni actor-singer na kinatatakutan niyang mabunyag? Ayon sa aming source, source pala ito ng ‘S’ sa showbiz. Ganu’n?!

Kung kami naman sa actor-singer, kung ayaw niyang lumabas pa ang ‘sikreto’ niyang ito, itigil na niya ang kanyang hindi magandang gawain. Hay, naku! Dehins na kami magbibigay ng clue, ‘noh! Malaki na siya, baka matalo pa! Hehe!

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Related Post

loading...

5 thoughts on “Teejay Marquez to snatch Kylie Padilla away from Aljur Abrenica?!

  1. haller?.. imposible na type nung teejay si kyliebabes padilla huh…eh bading yun eh! baka magsisters sila ha ha….

Leave a Reply

Your email address will not be published.