Teejay Marquez ready nang magpaka-daring sa 2014!

Teejay-MarquezPATULOY ANG pagpapalaki ng katawan ng Tween star na si Teejay Marquez dahil na rin sa pagri-ready nito sa pagtanggap ng pang-mature at medyo sexy roles sa 2014. Pero ayon dito, may limitasyon naman daw ang gagawin niyang pagpapa-sexy.

Okey lang daw sa kanya ang mag-topless sa eksena, aprubado na rin sa kanya ang magkaroon ng bed scene, pero hindi pa niya kaya ang pagpapakita ng sobra-sobrang skin o mag-brief sa isang proyekto.

After Pyra, pahinga at naghihintay ng bagong proyekto si Teejay, pero abala ito sa iba’t ibang guestings sa Kapuso Network at sa mga out-of-town shows at promo ng kanyang mga ini-indorsong produkto katulad na lang sa Dec. 15, kung saan magkakaroon siya ng meet and greet sa bagong bukas na mall ang Fishermans Mall na matatagpuan sa Pantranco, QC.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Teejay Marquez ready nang magpaka-daring sa 2014!

  1. aysus, sino na ba ang bagong jowa nitong beckylet na itech after nung makyonderz na model modelang si albert guinto?

Leave a Reply

Your email address will not be published.