Teejay Marquez, napagkamalang anak ni Tado

Teejay-MarquezNABIGLA ANG Tween Star na si Teejay Marquez dahil pagkabalik na pagkabalik galing Hong Kong kung saan 10 days itong namalagi roon para sa isang trabahong natanguan at para na rin makapagbakasyon at makapag-recharge sa sunud-sunod na puyatan dahil sa pagyao ng kanyang butihing ama at sa pagtatrabaho, ilan sa mga kaibigan niya ang nagsabing usap-usapan daw siya sa Internet kung saan napagkamalan siyang anak ng yumaong komedyante na si Tado.

Libo-libo na nga raw ang likes at views sa www.facebook.com/gmanews/posts kung saan may mga komento roon na nagtatanong kung si Teejay ba ay anak ni Tado. Pero mabilis naman itong kinorek ni Teejay sa pamamagitan ng pagbibigay komento rito na hindi niya ama ang yumaong komedyante.

At sa pagbabalik sa bansa ni Teejay, balik trabaho ito at busy sa promotion ng Basement na mapapanood na sa Feb. 12 at magkakaroon din ito ng Valentine Dating Game sa Starmall Alabang sa Feb. 14, 4pm at sa SM Bacoor sa Feb. 16, 3pm na hatid ng Unisilvertime at Cardmas. Makakasama nito sina Kate Lapuz, UPGRADE, Ken Chan at Joshua Dionisio.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Teejay Marquez, napagkamalang anak ni Tado

  1. ANO BA YAN MAY MAISULAT LANG ‘TONG SI JOHN FONTANILLA ABOUT SICHA, STARLETS AT DA WHO HAKHAK! KAKASAWA NA PO NOH! WALA BANG MAS SIKAT AT MAS BIG STAR DYAN? HAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.