Teejay Marquez, naglalagare!

BLIND ITEM: MATINIK sa mga magaganda at seksing showbiz bebots ang isang pulitiko sa Kabisayaan. At hindi basta starlet ang nakukuha at nabubuntis ng pulitikong ito. May mga namesung ang mga nadadale nito.

Isang dating miyembro ng dati ring sikat na all-female group ang sinasabing huling naanakan ng matulis na pulitiko. Pero bago iyon, isang French ang sinasabing bubuyog na umaali-aligid sa bulaklak na ito. Ano kaya ang nangyari at nasalisihan o naagaw ng isa pang bubuyog ang nektar ni sexy star?

May mga anak din (mga anak, ibig sabihin hindi lang isa) ang nasabing pulitiko sa isa pang dating sexy star. Dating beauty queen ang nasabing sexy star at dalawang beses nitong ni-represent ang bansa sa dalawang magkahiwalay na world beauty titles: ‘yung isa, sa Ecuador; ‘yung isa, sa India.

Kahit daw pinagsawaan na ang former beauty queen, at nakahanap na ng iba pang kandungan ang pulitiko, hindi raw ito maiwan-iwan. Ginagamit kasi ng former beauty queen ang kanilang mga anak bilang panakot sa pulitiko.

Sinu-sino sila? Ang pulitiko ay may-ari ng isang gaming business; may kuneksiyon ang launching movie ng ex-member ng all-female group sa tulay sa EDSA at sa Mexico; at huling lumabas ang former beauty queen sa isang teleseryeng may kina-laman sa perlas.

At least, nagkakalat ng magagandang lahi si pulitiko sa kapuluan ng Pilipinas, huh!

 

LAGARE NGAYON SA mga Kapuso shows ang TV’s newest teen heartthrob na si Teejay Marquez sa pagkakapasok niya bilang isa sa mga bida ng newest GMA Telebabad, ang dance-serye na Time of My Life, kasama sina Mark Herras, Kris Bernal, Rocco Nacino at LJ Reyes.

Bukod sa nasabing primetime serye na magsisimula na sa Lunes, regular pa ring napapanood si Teejay sa top-rating teen show na Tween Hearts bilang Nathan at sa Party Pilipinas kasama ang kapwa teen stars. Isa rin siya sa mga regular teen co-host ni Kuya Germs sa Walang Tulugan with the Master Showman. At kamakailan nga ay lumabas siya sa Dramarama sa Hapon na Blusang Itim.

Hindi ba naman nagugulat si Teejay sa mabilis na pag-angat ng kanyang showbiz career at sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng GMA-7?

“God is good, all the time po, I guess nakita naman nila ang aking pagpupursige at marahil, happy ang mga big boss sa aking performance. Sobrang blessings po ito sa akin. Tanggap lang nang tanggap kung ano pong opportunity ang ibinibigay sa akin.

“Thankful din ako kay Kuya Germs na siyang unang nagtiwala sa akin at nagtuluy-tuloy na ang lahat ng projects. Utang na loob ko sa kanya ito. Sa wakas, mapapanood na rin ako gabi-gabi. Matagal ko nang ipinagpi-pray ito,” mapagkumbabang bulalas ng guwapong teen actor.

Bising-busy nga si Teejay sa kanyang  mga  ta-ping at dance rehearsals. Ang tanong: May time pa kaya siya sa kanyang sarili?

“Time management lang po ‘yan. Kaya naman po hindi na po ako naglalalabas ngayon, itinutulog ko na lang para makapagpahinga,” sabi pa ni Teejay.

Bukod sa mga nabanggit na shows sa Kapuso Network, pinaghahandaan na rin ni Teejay ang kanyang birthday benefit concert na gaganapin sa October 2 sa Area05 Concert Hall sa Tomas Morato.

Ano pa nga ba ang masa-sabi namin… kundi, congrats Teejay sa mga tinatamasa mo ngayon. Manatili ka sanang humble at magaling makisama sa lahat ng klase ng tao.

‘Yun na!

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

loading...

10 thoughts on “Teejay Marquez, naglalagare!

  1. isang goodlooking prominent bisexual sa gay scene noon na nagshoshowbiz ngayon. teejay madrilejo ata name nyan 4 real?

Leave a Reply

Your email address will not be published.