Teejay Marquez, may gay benefactor?

Teejay-MarquezNATATAWA NA lang ang young actor na si Teejay Marquez nang makausap namin sa premiere night ng Ang Tweet ni Florante kay Laura, na ginanap sa SM North Edsa The Block Cinema 3 kamakailan, kaugnay sa tsismis na meron siyang mayamang bading na benefactor.

Bukod kasi sa pagpapagawa ng bahay, may bagong biling sasakyan si Teejay, isang Accent 2 Hyundai Hatchback white. Bukod pa rito ang kanyang bagong bukas na negosyo ng franchise ng Ace Buko Time sa Boracay.

Panimulang pahayag ni Teejay, “Hahaha! Ako? May bading na benefactor? Nakakatawa naman ‘yan, sino raw? ‘Yung sasakyan ko, galing sa ‘yan sa dugo’t pawis ko sa pagtatrabaho, kung saan ang kinikita ko ay inipon ko para makabili ng sasakyan.

“Pinagsama-sama ko ‘yung mga kinita ko sa mga prevoius na show ko at sa mga raket ko sa fiesta, mall shows at sa commercials at endorsement ko. Tsaka ‘yung sasakyan ko, hulugan ‘yun, ‘di ko naman binili ng cash.

“Siguro kung totoo na may benefactor akong mayamang bading, ‘di sana mas maganda at mas mahal na sasakyan ang mabibili ko, ‘di ba?

“‘Yung franchise ko naman ng Ace Buko Time, bayad sa akin ‘yun sa pag-eendorso nito. Kaya hindi nila puwedeng sabihing galing ‘yan sa mayamang bading,” pagtatapos ng young actor.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Teejay Marquez, may gay benefactor?

  1. halata namang may gay benefactor ang starlet na ito eh, malamang si john fontanilla yan o si kuya germs hakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.