Teejay Marquez, may bago na namang endorsement

Teejay-MarquezSA LINGGO, Dec. 15 ng 1pm magaganap ang meet and greet ng isa sa hottest Kapuso Tween star na si Teejay Marquez sa bagong bukas na Fishers Mall na matatagpuan sa Pantranco na hatid ng Bonita Tissue, kung saan si Teejay ang kauna-unahang image model.

Makakasama ni Teejay sa said meet and greet ang Internet sensation at tinaguriang Twitter Cutties na UPGRADE na kinabibilangan nina KCee Martinez, Armond Bernas, Miggy San Pablo, Rhem Enjavi, Mark Baracael, Ron Galang at Raymond Tay at ang grupo ng FULL FORCE Dancers na kinabibilangan naman nina Lance, Clark, JB, King John, Yosh, Ali at JM .

Tsika nga ni Ms. Mary Gan (owner of Bonita Tissue) na kinuha nila si Teejay bilang kauna-unahang image model ng nito, dahil sa naniniwala sila na maeendorso ito ni Teejay, bukod sa sikat itong teen actor ay isa rin itong mabentang endorser ng iba’t ibang produkto.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.