Teejay Marquez, makakabuntis ng isang non-showbiz girl!

 

AMONG YOUNG stars na hinulaan ngayong taon, isa ang Kapuso Tween Star na si Teejay Marquez, ang 2011 Best New Male TV Personality ng PMPC Star Awards For Television, ang sinasabing aariba ang career kaya naman dapat abangan sa taon ng Water Dragon.

Pero bukod sa magandang hula sa tween star at mabentang commercial model, hinulaan din itong makakabuntis bago matapos ang taon ng isang non-showbiz girl na makilala nito. Pero ayon na rin sa hula, hindi nito ibubunyag at itatago sa lahat.

Kaya naman nang makarating ito kay Teejay, tanging ngiti lang ang naisagot nito at ayaw mag komento o mag salita ng tapos. Baka raw kasi sabihin niya na malabong mangyari dahil maingat siya at mas nakatutok siya sa kanyang blooming career, tapos ay mangyayari at magkakatotoo ang nasabing hula.

Pero babala na raw sa kanya ‘yun para mas mag-ingat at nang hindi magkatotoo ang nasabing hula. Sa ngayon daw kasi, ang pagyabong ng kanyang career ang kanyang priority. Bukod pa sa paggawa niya ng commercial kung saan dalawa na ang kanyang natapos at hinihintay na maipalabas.

 

HINDI NAIWASANG malungkot at maiyak ng Starstruck Batch 1 alumni na si Sheena Halili sa sinapit ng isa sa maituturing nitong mabait na kaibigan sa industriya na si Tyron Perez na natagpuang patay at may tama ng baril sa sarili nitong sasakyan.

Tsika ni Sheena, sobrang bait daw ni Tyron at hindi niya akalaing magagawa ni Tyron na mag-suicide, ayon na rin sa lumalabas na balita. Sobrang jolly raw ni Tyron na laging may nakahandang ngiti sa tuwing makakausap nito.

Kahit nga raw hindi na sila nagkikita ng kapwa SS1 alumni, nakakapag-usap naman daw sila everytime na nakakapagsama sa mga show. Nakapanghihinayang nga raw na napakabata nitong namatay katulad ng panghihinayang na naramdaman nito noon ng namatay ang Starstruck Batch 3 grand winner na si Marky Cielo.
NO DOUBT na isa si Lovi Poe sa aabangan sa Legacy, ang pinakabagong primetime soap ng GMA-7 na mistulang reunion din ng Temptation Island girls from Lovi, Solenn Heussaff at Heart Evangelista. Kung saan this time ay magkapatid pa ang papel nina Lovi at Heart.
Kung taon ni Lovi ang 2011 na talaga namang nagningning ang career, mapa-telebisyon o pelikula, ngayong taon daw ay patuloy na magniningning ang career nito sa TV via Legacy at maging sa pelikula.

Bukod sa mga nabanggit na Legacy girls, makakasama rin sina Geoff Eigenmann,  Alessandra de Rossi, Sam Pinto, Eddie Garcia, Cherie Gil, Robert Seña, Maritoni Fernandez, at Jackie Lou Blanco. May special participation naman sina Dennis Trillo, Bianca King at Chynna Ortaleza na magsisimula nang mapanood sa January 16, sa direction ni Jay Altarejos.

 

ISA SA inaabangan sa number one teenshow sa bansa na Tween Hearts ay ang role ni Lucy na ginagampanan ng super flawless na si Rhen Escano. Kung saan from bad girl ay biglang naging good girl ito dahil na rin sa pagkagusto kay Rick na ginagampanan naman ni Derrick Monasterio na nagkataong ibang babae naman ang gusto.

Kaya naman ang ending ay muling babalik sa pagka-super maldita at bad girl si Lucy at muli na naman niyang pahihirapan ang mga good girls ng Tween Hearts na sina Joyce Ching, Bea Binene, Barbie Forteza at Kylie Padilla.

Bukod  sa Tween Hearts, mapapanood din si Rhen sa midnight show ni Kuya Germs Moreno bilang teen co-host nito sa Walang Tulugan With The Master Showman.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.