Teejay Marquez, kayod marino

Teejay-Marquez-Kate-with-Unisilvertime -BossesISA SA maituturing na busiest young actor sa bakuran ng GMA7 si Teejay Marquez na after ipalabas ang pelikulang The Basement, kung saan isa siya sa bituin ng nasabing pelikula ay nakahanda namang ipalabas ang dalawa pang pelikulang nagawa nito, ang Tweet ni Florante kay Laura, kung saan kabituin nito ang Miss Universe 4th Runner-Up na si Venus Raj at ang Chasing Boulevard, kung saan kabituin naman nito ang co-Tweens na sina Kim Rodriguez at Kiko Estrada na paraheng ipalalabas sa Marso.

Bukod sa nasabing mga pelikula, busy rin ito sa mga mall, out of town at out of the country shows, kung saan 10 days itong namalagi sa Hong Kong kamakailan para mag-show roon sa ating mga kababayang OFW.

Sunud-sunod din ang naging mall tour nito mula sa Starmall Alabang, last Feb. 14 kasama ang High Dreamers at noong Feb. 16 sa SM Bacoor, kasama naman sina Kate Lapuz, Barbie Forteza, Ken Chan, Enzo Pineda, Joshua Dionisio, Derick Monasterio at UPGRADE.

Habang magkakaroon naman ito ng show sa March 2 sa SM Marilao para sa isang meet and greet. Regular din itong napapanood sa Walang Tulugan With The Master Showman every Saturday midnight at napakikinggan naman ito tuwing Tuesday 2:30 to 3:30 sa DZBB Walang Siyesta kasama sina Kuya Germs Moreno, Janna Chuchu at Mega Ohlala.

 

NAGING MATAGUMPAY ang Post-Valentine Dating Game na ginanap sa SM Bacoor last Feb. 16 na hatid ng Unisilvertime at ng Cardams, kung saan naghanap ng makaka-date sa araw na iyon ang mga Unisilvertime Image Models na sina Kate Lapuz at Teejay Marquez.

Naging espesyal na panauhin naman sa said show ang grupong UPGRADE, Barbie Forteza, Enzo Pineda, Ken Chan, Derick Monasterio, Joshua Dionisio at ang Nocturnal Dance Group na pare-parehong nagbigay-aliw sa mga manonood.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Teejay Marquez, kayod marino

  1. in fairness naman kay baklitang teejay umusbong na ang karir mula ng hiwalayan niya ang dating jowang si albert guinto. good for teejay, makyonda na yong si albert noh! makakakuha pa naman sha ng mga fresh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.