Teejay Marquez, hit sa Indonesia; balik-bansa para mag-shoot ng commercial

Teejay Marquez, hit sa Indonesia; balik-bansa para mag-shoot ng commercialBabalik sa bansa ang young actor na si Teejay Marquez mula sa tatlong buwang pamamalagi nito sa Indonesia, kung saan siya nag-shoot ng kauna-unahang pelikula sa nasabing bansa entitled “Dubsmash”.
Bukod sa pelikulang ginawa niya sa Indonesia, may mga guesting din si Teejay Marquez rito na mostly ay celebrity talk show, game show, at variety show. Nakagawa rin siya ng once a week teen drama show na kanyang pinagbidahan, ang “I Love You, Teejay”.
Isa hanggang dalawang linggong mamamalagi si Teejay sa Pilipinas para sa shoot ng isang commercial at babalik kaagad sa Indonesia para sa shoot ng kanyang movie at iba pang activities sa said country.

Boobsie-WonderlandBoobsie Wonderland, may 1st solo comedy concert na

MUKHANG TULUY-TULOY na ang pag-arangkada ng tinaguriang ‘Pambansang Baby’ ng Pilipinas na si Boobsie Wonderland, dahil after ng matagumpay na konsiyerto nito kasama sina Ate Gay, Gladys Guevarra, at Papa Jack sa Araneta Coliseum, heto’t siya naman ang binigyan ng CCA Entertainement ni Joed Serrano ng solo concert sa Kia Theater.
Magaganap ang kauna-unahang major solo concert ni Boobsie sa May 13, Friday, 8 pm, entitled “Bata… Bata… Anyare?” with special guest.
Tsika nga ni Boobsie, “Nakakagulat , nakakalula at hindi ako makapaniwala. Hanggang ngayon, hindi ko nga maisip na may solo concert na ako. Kasi parang ang bilis ng pangyayari. Biruin mo, mare, after Araneta Coliseum, ‘eto ako, sa Kia Theater naman. Nakakaloka talaga. Hahahha!
“Thankful nga ako kay Joed, kasi handa talaga siyang sugalan ‘yung concert ko. Kaya nga nanawagan ako sa mga fans ko na manood kayo ng concer ko. Hahaha! Para may kasunod pa,” pagbibiro ni Boobsie.
Excited na nga raw si Boobsie sa nalalapit na concert at grabeng paghahanda na raw ang kanyang ginagawa para mas mapaganda at mag-enjoy ang mga manonood nito.
Dagdag pa nito na marami raw siyang bagong gagawin sa kanyang Kia concert na hindi niya pa ginagawa sa kanyang mga naging show.

DetourDetour, tagumpay ang first leg ng mall your sa Star Mall

NAGING MATAGUMPAY ang 1st Star Mall Mall Tour ng grupong Detour na kinabibilangan nina Allan, JC, Marcus, at JM na ginanap sa Entertainment Plaza ng Star Mall Las Piñas last March 12.
Inawitan at hinarana ng Detour ang kanilang mga tagahanga sa kanilang inihandang limang awitin. Naging espesyal na panauhin ng Detour ang Generation 6 Dancers na kinabibilangan naman nina JB, Moja, Ajay, Mico, Mark, at Carl.
Nais pasalamatan ng Detour ang Star Mall Las Piñas, Ysa Skin and Body Experts, Aficionado Germany Perfume, New Placenta, Olive C, at Aura Soap.
At sa March 20 (Sunday), mapanonood ang Detour sa Star Mall Edsa Shaw kasama ang Generation 6 Dancers.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleRuffa Gutierrez, ipinakilala na ang karakter sa “Bakit Manipis ang Ulap?” matapos ang 4 na linggo
Next articleIna Raymundo, ‘di ma-imagine na Pinoy ang magiging asawa

No posts to display