Teejay Marquez, gustong makapareha ng TV5 newest star!

ANG  TWEENSTAR at 2010 PMPC Star Awards for Television Best New Male TV Personality na si Teejay Marquez ang gustong makapareha at makatrabaho ng TV5 newest young star at kasama sa Valiente na si Czarina Suzara na gumaganap na batang Leona, ang kontrabida sa mala-higanteng soap ng Kapatid Network.

Tsika ng maganda at tisay na young star, guwapo raw kasi si Teejay at magaling umarte kaya naman daw gusto nitong makasama at makatrabaho ang tweenstar. Hindi naman daw ito malabo dahil open naman ang TV5 sa pagpapahiram ng kanilang artista sa ibang TV Network basta magpapaalam lang.

Bukod kay Teejay, gusto ring makapareha ni Czarina in the near future ang mga prinsipe ng TV5 na sina Oyo Boy Sotto at JC De Vera na bukod sa guwapo rin daw ay magaling umarte.

Kahit kontrabida raw ang role nito sa Valiente, nangangarap din si Czarina na mabibigyan ng bida role sa Singko. Bukod sa Valiente, nakapag-guest na rin ito sa ibang show ng TV5 like Glamorosa at Felina.

 

CLUELESS DAW ang magaling na aktres na si Jaclyn Jose kung bakit dinedeadma-deadma siya ng dati niyang karelasyon na si Mark Gil na kasama niya sa Valiente.
“Kasi, siyempre, iniiwasan nila ’yung delay ng trabaho. Sabi ko, okay lang, mamamatay naman siya, eh. ”
Tsika nga ni Jaclyn, hindi sila okey ni Mark sa taping ng Valiente at ni minsan daw ay hindi siya kinausap nito na hindi niya alam kung ano ang dahilan. Tanging sa mga eksena lang daw sila nag-uusap at pagkatapos ay deadma na ito sa kanya.
“Hindi ko alam kung bakit hindi kami maging civil man lang. Ewan ko sa kanya! Parang kung ituring niya ako, eh, parang… parang hindi kami nagkaanak, eh. Para siyang galit sa akin, parang asar.

“Ewan ko nga kung bakit ganu’n, eh. Minsan nga, kumprontahin ko ’yan. Tatanungin ko lang, ‘ano ang problema mo sa akin?’ Ever since, ganyan na, eh. When we see each other, we say ‘hi’ lang.” Pagtatapos ni Jaclyn.

 

BONGGA ANG pasok ng 2012 sa magaling na aktres na si Sylvia Sanchez at ng anak nitong lalaki na si Arjo Atayde na pinasok na rin ang mundo ng showbiz dahil parehong may show ang mga ito sa first quarter ng taon.

Kung saan parehong nagsimula nang mapanood last January 30 ang teleserye ni Ms. Sylvia na Mundo Man Ay Magunaw kasama sina  Empress Schuck, Ejay Falcon, Nikki Gil, Allan Paule, Pinky Amador, Jason Gainza, Dianne Medina, Alex Castro, Tessie Tomas, at Eula Valdes mula naman sa direksyon nina Jeffrey Jeturian at Rechie del Carmen.

Nasa E-Boy naman si Arjo kung saan kasama nito sina  Ariel Rivera, Jomari Yllana , Agot Isidro, Valerie Concepcion, Jaime Fabregas, Chinggoy Alonzo, at Pen Medina mula sa direksyon nina FM Reyes at Nick Olanka.

Tsika nga ni Ms. Sylvia nang makausap ito sa kanyang TJ’s Restaurant, noon pa talaga gustong pumasok sa showbiz ng anak pero pinipigilan pa nila ng asawang si Sir Art Atayde dahil nag-aaral pa nga. Pero nito ngang huli ay kinausap na raw sila ni Arjo na pagbigyan ang gusto niya at nangakong ‘di naman pababayaan ang pag-aaral.

 

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

3 thoughts on “Teejay Marquez, gustong makapareha ng TV5 newest star!

  1. Agree ako dyan Ivy! :)) Kung tiignan si Teejay pinakagwapo sa lahat eh baka natatakot lang ang mga taong concern na masapawan ni Teejay ang mga di naman kagwapuhan :D

  2. Hindi pa nga siya ganun kasikat ngayon, pero nagsisimula pa lang naman siya. To think na hindi pa nga siya one year sa show business. And for all you know, bago ka magsalita alamin mo muna. Di mo ba napapansin na sinasadya nila na hindi makita on TV ang kagwapuhan ni Teejay just so tong mga di kagwapuhang characters eh hindi masapawan? Alam kasi nilang pag yung totoong look na ni Teejay ang pinakita, BOG! Talbog silang lahat. Hahahaha!

  3. itong writer na toh, publicist ka ba ni teejay? pero hanggang ngayon naman hindi pa sya matatawag na sikat, kungbaga secondary pa lang sya kina jake at joshua at mas sikat pa rin sina kristoffer at derick. AT dahu ung czarina? dahu dahu dahu?! hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.