Teejay Marquez, excited sa bagong project

EXCITED NA sa kanyang newest project ang young actor na si Teejay Marquez na medyo matagal-tagal din bago nasundan ang kanyang last show sa GMA-7. Kamuntik-muntikan na ngang mag-ober da bakod si Teejay sa ibang TV Networks, dahil na rin sa kawalan ng trabaho.

Pero nanaig pa rin dito ang loyalty , dahil nga naman ang GMA-7 ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong mapasama sa mga shows ng Kapuso Network like Tween Hearts, Ikaw Lang ang Mamahalin, Walang Tulugan with the Master Showman, atbp. At sa indie film na Basement na malapit lapit na ring ipalabas.

Ka-join si Teejay sa Home Sweet Home, ang pinakabagong palabas ng GMA-7 na mapapanood ngayong buwan. Kung saan kasama nito sina Jillian Ward, Roxanne Guinoo, Raymart  Santiago, Bea Binene, Ken Chan, Jake Vargas, atbp.

 

MARAMING NATUWA sa pagbabati noong Mahal na Araw ng magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes na humantong pa noon sa demandahan. Parehong nakahinga raw nang maluwag ang magkapatid sa kanilang pagbabati.

Pero kung masaya ang dalawa sa kanilang pagbabati, hindi naman daw naiwasang maiyak ng kanilang inang si Mommy Frances dahil na rin marahil sa sobra-sobrang kasiyahan. Dahil nga nu’ng kasagsagan ng away ng magkapatid na Ara at Cristine, nanatiling tahimik lamang ang kanilang ina at hindi nagsalita tungkol sa issue ng kanyang mga anak.

Masaya rin ang malalapit na kaibigan nina Cristine at Ara sa kanilang pagbabati, dahil hindi nga naman magandang tingnan na parehong magkadugo ang nag-aaway. Sana nga raw ay tuloy-tuloy na ang pagbabati ng dalawa at hindi na maulit muli ang grabeng alitan na nangyari sa kanila.

 

TAWA KAMI nang tawa everytime na manonood kami ng IJuander sa News TV 11 every Wednesday ng gabi sa grupong La Churva na kinabibilangan nina Marian, Angel and Mamarich dahil na rin sa galing ng mga ito sa pagpapatawa.

Kaya naman sa nag-uumapaw na talent ng La Churva, mukhang nagiging paborito na silang kunin ng IJuander at ng ibang show ng GMA-7 at NewsTV 11. Tsika nga ng tatlong hindi lang magaling magpatawa kung hindi magaling ding umawit na matagal na raw nilang panga-rap na makilala sa larangan ng pagpapatawa at pag-awit. Kaya naman daw sa lahat ng shows at TV guestings na ginagawa nila ay ibinibigay nila ang kanilang 100% para kunin silang ulit ng mga promoter at talent coordinators.

Ilan daw sa paborito ng tatlo sina Eugene Domingo, Dolphy, Ai-Ai Delas Alas, Ogie Alcasid, Michael V sa larangan ng komedya at sina Regine Velasquez, Celine Dion, Beyonce, Sarah Geronimo at Lani Misalucha sa larangan naman ng pag-awit.

 

BLIND ITEM: Nakakaloka ang kuwento tungkol sa isang sikat na sikat na young actor, dahil kung anong bait nito nu’ng nagsisimula ay siya namang maldito nito ngayong may pangalan na siya at sikat na sikat na.

Tsika nga ng aming source kung papaano ito nagmaldito sa isang staff ng show na dinaluhan ni young actor. Habang nasa waiting area raw ng mga performer nang gabing iyon si young actor, at habang nagti text ay nilapitan ito ng nasabing staff at nagtanong kung ano ang kanyang kakantahin.

Tumingin lang daw ito sa naturang staff sabay sabing “F–k y– ka! Bakit sa akin mo tinatanong? Bakit ‘di mo tanungin sa RM ko!” Sabay balik sa ginagawang pagti-text. Naloka raw ang staff at dahil na rin sa naramdamang pagkapahiya ay agad-agad na lang nitong iniwan si young actor.

Kaya naman daw ang paghanga nito sa young actor ay napalitan ng galit. Ang buong akala raw nito ay mabait si young actor, pero ang totoo pala ay mayabang daw at bastos. ‘Yun na!

 

BINABATI NAMIN at ni Mr. Roselio Balbacal ng Luntal, Tuy , Batangas ang mga nagtatrabaho sa PKI Lipa na sina Ms. Elisa Medina (Line Leader), Ms. Sonia Maldonado (Material Handler), Ms. Riza Vergara (Material Handler), at Ma’am Veneth Morido (Foreman).

John’s Point
by John Fontanilla

4 thoughts on “Teejay Marquez, excited sa bagong project