Teejay Marquez, ‘di raw issue kung support lang sa movie

HINDI RAW issue sa Tween star na si Teejay Marquez kung suporta lang siya sa pelikulang pinagbibidahan ni Kiko Estrada, ang Chasing Boulevards, dahil kaibigan naman daw nito ang binata ni Gary Estrada at nakasama niya sa Tween Hearts .

Kuwento pa ni Teejay na maganda raw ang role niya rito bilang nakababatang kapatid ni Kiko dahil sa kanilang dalawa bilang magkapatid umiikot ang istorya ng nasabing pelikula. Happy rin daw si Teejay dahil kasama nila rito ang kanilang co-Tween Hearts at ngayon ay bida ng Kakambal ni Eliana na si Kim Rodriguez na siya namang magiging leading lady ni Kiko.

Bale parang reunion daw ang Chasing Boulevards nilang mga Tweens kaya naman daw madali lang sa kanila ang trabaho dahil bonded na sila. Bukod pa raw sa bata ang director nito at binibigyan sila ng pagkakataong mag-suggest para mas mapaganda ang kanilang pelikula.

Bukod sa said movie, isa rin si Teejay sa napiling maging image model ng Royqueen na pag-aari ni Mr. Jojo Manto, Ace Buko Time na pag aari ni Mr. Ace Manaloto at ng Unisilver Time na pag-aari naman ni Mr. Albert Que. Isa rin si Teejay sa pinarangalan sa 33rd Dangal ng Bayan for Outstanding Teen TV and Movie Actor of the Year.

 

MATAGUMPAY ANG naging block screening ng pelikulang tumatabo sa takilya ngayon na punung-puno ng kilig, katatawanan at mild drama na Bakit ‘Di Ka Crush ng Crush mo na ginanap sa sosyal na Cinema 4 ng Resorts World Manila kamakailan na hatid ng Kim Xian Around the World.

Kitang-kita namin ang suporta ng die-hard fans nina Kim Chiu at Xian Lim na present nang gabing iyon at kasabay na nanood kasama ang kanilang mga tagahanga. Dinig na dinig namin ang tilian at damang-dama namin ang kilig na kilig na kanilang mga fans sa mga eksena ng dalawa sa pelikula.

‘Di matatawaran ang galing sa pagpapatawa sa said film ni Kim Chiu at Xian Lim at nagawa naman ng mga itong mapaluha ang kanilang mga supporters sa madadramang eksena. Bukod sa nasabing block screening, may mga susunod pa silang block screening sa iba’t ibang sinehan sa buong Pilipinas para suportahan ang tambalang Kim at Xian.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Teejay Marquez, ‘di raw issue kung support lang sa movie

Leave a Reply

Your email address will not be published.