Teejay Marquez, bigong makasama ang ina noong Pasko at Bagong Taon

Teejay-MarquezBIGONG MAKASAMA ng GMA Tweenstar na si Teejay Marquez ang kanyang ina noong nakalipas na Pasko at  Bagong Taon. Maalalang ito lang ang tanging hiling nito noong Pasko dahil nga sa Japan na naninirahan ang kanyang ina kasama ang bago nitong Pamilya.

At katulad nu’ng Pasko, hindi rin nakauwi ng bansa noong Bagong Taon ang kanyang ina dahil sa doon ito nagbagong taon kasama ng kanyang pamilya. Balak sanang pumunta ng Japan ni Teejay para makasama ang kanyang ina, pero ‘di umumbra dahil may mga trabaho pa itong tinatapos katulad ng shooting ng Chasing Boulevard at mga provincial at mall shows.

Kaya naman katulad ng mga nakalipas na Bagong Taon, ang kanyang lola, auntie at ibang kamag-anak ang kanyang nakasama. Pero ‘pag nagkaroon daw ito ng bakanteng oras ay baka siya na ang pumunta ng Japan para makita at makasama ang ina.

 

PASASALAMAT: NAIS ko pong pasalamatan ang mga taong nakaalala sa amin noong nakalipas na Pasko at Bagong Taon mula sa TV5, ABS-CBN, Jake Cuenca, Angel Locsin, Atty. Ferdinand Topacio, Sir Alex Cruz and Family, Gov. ER Ejercito, KC Concepcion, Sef Cadayona, DJ Joph and Family, Kate Lapuz and Family, Kathryn Bernardo, Ms. Kaye at Absy Dacer, Ms. Tina (Traffic.com), Full Force Dancers, 4G, Mr. Perry Lansigan of PPL, Louise Delos Reyes, Alden Richards, Mr. German Moreno, Atty. Persida Acosta, PMPC members and officers.

Teejay Marquez, UPGRADE, Kristoffer Martin, Hiro Magalona Peralta, Becky Aguila, Kon. Troy Balbacal and Family, Renz Michael and Family, Loyd, Ken Chan, Unisilvertime, Royqueen, Bonita Tissue, Rescuederm, Hammerhead, Sheena Halili and Family, Mike Tan, Julie Anne San Jose, Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Reginians Fans Club (Mike, Nene), Aljur Abrenica, Marvin Agustin, Jonatics, Angelu De Leon, Peps Salon at sa aking pamilya. Maraming-maraming salamat!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Teejay Marquez, bigong makasama ang ina noong Pasko at Bagong Taon

Leave a Reply

Your email address will not be published.