Ted Failon, halos maiyak sa kapalpakan ng show – Cristy Fermin

TALAGANG BINANTAYAN NAMIN ang pagbibinyag ng apoy sa magaling na news anchor na si Ted Failon nu’ng nakaraang Sabado nang hapon. Maraming imbitasyon, pero talagang hinintay namin ang Failon Ngayon!, ang bagong news program ni Ted pagkalipas nang maraming taon.

Regular siya sa TV Patrol World, ganu’n din sa kanilang programa ni Korina Sanchez sa DZMM, pero ngayon lang uli siya sasalang nang solo sa telebisyon pagkatapos ng kanyang programang Hoy, Gising! noon.

Kaswal na kaswal ang dating ni Ted Failon, hindi siya tulad ng ibang news anchor na naninigas sa himpapawid, halatang-halata agad ang kumpiyansa sa kanyang pagsasalita.

[ad#post-ad-box]

At naka-scoop siya, detalyadong ipinakita sa Failon Ngayon! ang naganap na nakawan nu’ng nakaraang linggo sa tindahan ng Rolex sa Glorietta 5, habang iniinterbyu niya ang dalawang pulis na bodyguard ng isang pulitiko na nagkataong nandu’n nang maganap ang krimen.

Nakakaawa ang batang akay-akay ng kanyang mga magulang na nakulong sa loob ng tindahan, mabilis ang takbo ng utak ng babae, bigla itong lumabas hila-hila ang anak.

Detalyado ring nirebyu ng programa ang mga pintuang dinaanan ng mga unipormadong magnanakaw, may mga guwardiya, kaya ang tanong ay paano nakalusot ang mga ito hanggang sa ikalawang palapag ng mall?

Maganda ang pagsasalansan ng Failon Ngayon! sa pangyayari, parang nandu’n ka rin sa lugar ng nakawan habang ipinakikita ang mismong video na nakunan sa tindahan, sa unang sultada pa lang ng Failon Ngayon! ay sulit na sulit na ang pagod ng kapitan ng barko.

“Mahirap pong manganay, halos wala na kaming tulog nu’ng Friday nang gabi dahil sa editing. Dumating ako sa bahay, bagsak agad ako, kailangan kasing tutukang mabuti ang presentasyon,” pahayag ni Ted Failon nang batiin namin para sa isang interesanteng palabas pagkatapos ng kanyang airing.

LAHAT NG UNA ay hindi perpekto. Kundi may kulang ay meron namang sobra. Sa pinakahuling segment ng Failon Ngayon! ay may nangyaring hindi inaasahan, isa pa naman ang bahaging ‘yun sa inaabangan namin, ang panayam niya kay Arnel Pineda ng Journey at ang kanilang pagduduweto.

Pero nagkaroon ng problema sa audio, putul-putol ang kanilang pagsasalita, minsang may boses sila at mas madalas na wala. Perpekto na sana ang Failon Ngayon! kundi dahil du’n.

Ikinalungkot ni Ted ang nangyari, maiyak-iyak siya sa panghihinayang, kung kailan pa nga naman papasok na ang credits ay du’n pa humabol ang kapalpakan ng audio.

Pero talagang ganu’n, kaya nga pagbibinyag ng apoy ‘yun, dahil unang pagsahimpapawid nila. May lunas pa ang nangyari, sa susunod na episode ng Failon Ngayon! ay bigyan sana nila ng espasyo ang panayam kay Arnel Pineda na nu’ng ipalabas ay parang may nagluluto ng popcorn ang kanilang audio, palundag-lundag.

Pero sa kabuuan ay interesanteng panoorin ang pagbabalik-nang solo ni Ted Failon sa telebisyon, tulad ng madalas sabihin sa kanilang plugs, malupet ang programa.

At masarap manood ng news anchor na alam mong mulat sa kanyang mga sinasabi at ginagawa, ‘yung alam mong may kumpiyansa sa kanyang kapasidad, ‘yun si Ted Failon.

Kung kredibilidad naman ang ipagtatanong ay hindi na namin kailangan pang magsalita, publiko na ang magsasabi kung gaano nila pinagkakatiwalaan ang news anchor, ang komentaristang habang pinanonood namin ay mukhang nakabangon-nakasulong na mula sa isang masakit na nakaraan.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

12 thoughts on “Ted Failon, halos maiyak sa kapalpakan ng show – Cristy Fermin

  1. napaka pathetic ng mga tao dito, walang sariling buhay, kaya pati news anchors pinapatulan. basta may balita at naihatid sa tao yun ang mahalaga. tsktsk. pathetic

  2. Applepie, paminsan minsan gamitin mo naman ang utak mo kaug mayroon ka. Di ka siguro nagbasa nuong kasalukuyang nasa news ang nangyaring pagkamatay ng asawa ni Ted.

  3. magkano ba ang mga parangal na yan sa mga broadcaster na yan? sa atin pa! tumira ka lang ng tumira sasabihin na matapang ka wala kang kinatatakutan. dahil na rin business sa network natural full support sila sino bang ayaw kumita? pero mostly sa kanila maingay lang pero pag binigyan na ng kendi wala lang.

  4. actually magaling ang show naiiba. pwedeng ipangtapat kay laki ilong, talsik laway na mike enriquez at sa nagmumurang kamatis na si mel tiangco! hahaha!

    @ APPLEPIE – that’s a great story! magandang gawing ORIGINAL na teleserye sa gma kasi halos lahat REMAKE at RECYCLED!

    • wala sa itsura ang pgi2ng mgling na host….it depends sa talino….sipag at chaga dba?
      pintsan ba ang mga beterano na at pinrangalng mga mga2ling na broadcaster sa pinas….pity on u…
      wawang nilalang…tssk..ttssskk…tttssskkkk

      • i was able to say so kasi with kapamilya it’s a WHOLE-PACKAGE, magagaling na sa news and public affairs pleasing to the eyes pa! i meant no harm but i was just telling the truth. ang tatlong hosts sa tv patrol magandang tingnan especially pag parepareho ang motiffs nila with all the suits and blazers very formal ang dating. samantalang si mel tiangco, hindi mo alam kung nasa midlife crisis ang hitsura, with big belt and ruffles, sablay! at si mike halos ilong ang makikita mo sa big screen, at dahil sa exaggeration sa pambabalita tumatalsik ang laway… come on, that’s not reporting, ok? hahaha! and say, award-winning rin ang hosts nang tv patrol at mga respetado as well.

        amen kalowkah!

  5. ted minumulto kana ng asawa mo dahil pinabayaan mo siya iniwan mo sa hospital para umuwi ka tapos naglinis kalang sa bahay para linisin ang mga ebidensiya na magdidiin sayo. common sense nalang grabe na kalagayan ng asawa mo alam mo di magtatagal mamatay na siya pero iniwan mo umuwi ka para maglinis ng ebidensiya.kung nakalusot ka sa mundong ito na di ka nakasuhan nakalusot ka darating ang araw pagbabayaran murin yan.wala kanang kredibilitad tapos gagawa kapa ng program na ganyan magiging flop yan.

    • naabswelto si Ted maski mga kamag anak ng asawa nya nagpapatotoo na walang kinalaman si Ted. manigas ka !!!! baka asawa mo ang gustong pumatay sa iyo sa ugali mo….

  6. Sayang hindi ko napanood ang pilot episode ni sir TED.
    May next pa naman. Congratulations TED FAILON.
    You deserved another solo show like this for the longesstt time. And Hoy! Gising was like how long since the last airing? More than 10 years na yata…

  7. ang tanga naman ni kulafing eh ikaw na nga unang nagreact..ok na sana mga binanggit mong papauri kay willie idol mo problema binanggit mo pa c joey.. hay nako mga diehard o kampon nga nman

  8. ano ang nangyari sa kapulisan na nang harass kay Ted nang mamatay ang kanyang ginang? Sana sila ang tutukan nang pansin nang publiko. Malakas ang credibilidad ni Ted Failon at walang takot na inilalabas niya ang mga alam sa graft and corruption. Sana iligtas siya sa kapahamakan. We need more people with balls like Ted.

Leave a Reply

Your email address will not be published.