Ted Failon at Pinky Webb, may relasyon?!

SA SHOWBIZ TALAGA, makita lang magkasama ang dalawang celebrity, tiyak na ang kasunod na tsika ay may relasyon sila.

Ito bale ang lumalabas nang may magtsika sa amin na nakitang magkasama sa airport sina Ted Failon at Pinky Webb. Nag-out of town daw ang dalawa kamakailan at may mga nakasaksi na taga-showbiz din.

With this, ang naging haka-haka nila ay parang may relasyon na ang dalawa.

Helllooo! Magkasama ang dalawa sa isang radio program sa Teleradyo. Baka naman on assignment sila. Malay natin, may nilulutong show para sa kanila kaya kaiangang nilang mag-tape. O baka naman may project sila bilang news anchors at kinailangan nila ng out of town coverage.

Basta kami, hindi kami naniniwalang may relasyon na nga ang dalawa.

BONGGA ANG SURPRISE birthday ni Martin Nievera. Sa 7107 Cruise Ship ito ginanap noong mismong kaarawan nya, Feb. 5.

Actually, presscon iyon para sa kanyang Valentine concert with Pops Fernandez, ang One Amore Time na gaganapin sa SMX Convention Center, MOA, Feb. 14. Pero may party palang kasunod iyon. Naroon ang mga kaibigan ni Martin, ang composer na si Louie Ocampo at ang kanyang anak na si Robin.

Sa aming interview, nalaman naming minsan ay nag-propose pala si Martin sa isang babae using seaweed as a ring. Impromptu ang nangyaring marriage proposal na naganap sa tabi ng dagat.

Tuwang-tuwa si Martin dahil ang ganda ng gift ni Pops sa kanyang birthday, na isang libro na naglalaman ng mga photos niya kasama ang tatlo niyang anak na sina Robin, Ram at Santino.

“It’s the greatest gift Pops has ever given me,” say ni Martin.

AWARE NAMAN ANG isang network boss na usung-uso ngayon ang lipatan among the stars. Parang rigodon ang nangyayari ngayon kaya naman he wants to make sure na loyal sa kanya ang lahat ng kanyang mga artista.

Alam n’yo ba na may loyalty check daw na ginagawa ang network boss? Almost everyday raw ay may pa-dinner ito para sa mga artistang naka-sign up sa kanyang kumpanya. He wants assurance na hindi lilipat ang mga ito. Usung-uso kasi ngayon ang switching of network allegiance.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

4 thoughts on “Ted Failon at Pinky Webb, may relasyon?!

    • hes tooooooooooooooo bz doing dat…hindi kya c manahan nyo ng star magic????
      lingon muna sa paligid bago sa kabilng bakod ok?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.