Technology Forum, Isinagawa Para Iangat ang Produktong Pinoy

PAGPAPAANGAT NG mga produkto ng ating bansa na siyang ipinakikilala at inilalabas sa ibayong dagat ang layunin ng katatapos lang na technology forum na pinangunahan ng Philippine Council for Industry

Energy and Emerging technology Research and Development ng Department of Science and Technology (PCIEERD-DOST).

Sa nasabing forum, ipinaliwanag ng mga naanyayahang dalubhasa buhat sa DOST, University of The Philippines-Los Baños, Central Luzon State Univeristy, at iba pa ang kahalagahan ng kanilang layunin na may kaugnayan sa biotech, microbial rennet at brown rice.

Hinihikayat ang mga entrepreneyur na maging technopreneur at tutulungan ito ng ahensya sa teknolohiya at komersyalisasyon at ang mga detalye ay malalaman sa DOST at PCIEERD.

Maraming technology ang nalilikha ng mga dalubhasa ng DOST ngunit iilan lang ang mga adaptors nito kaya hinihikayat ng pamahalaan na mag-avail ang ating mga entreprenyur sa kanilang technologies, ayon kay PCIEERD Executive Director Dr. Rowena Cristina L. Guevara.

 (MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.