Technician na Kawatan ng Kable, Kulong

SWAK SA KULUNGAN ang technician matapos maaktuhang nagnanakaw ng kable ng kuryente kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detencion cell ng Caloocan police ang suspek na si Peter John Rafols, 27, ng Pasolo St., Valenzuela City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:30 ng hapon, nadaanan ng mga barangay tanod si Rafols na nasa poste ng Meralco sa Brixton St., UE Subd., ng lungsod at pinuputol ang kawad ng kuryente.

Sinita ang suspek kung saan nagpakilalang empleyado ng sub-contractor ng telepono subalit nang hingan ng job order ng mga tanod ay walang naipakita.

Dinala sa presinto ang biktima kasama ang dalang sasakyan na Anfra (ZAJ-669) na pag-aari ng BMIL Teleserve Inc.

Nagpunta ang tauhan ng BMIL sa presinto at sinabing empleyado nga nila si Rafols subalit lalo lang idiniin ang huli dahil sa ginawang pagnanakaw ng kable.

(MARY H. SAPICO)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.