Technical working group para sa RH Bill, posibleng ‘di buuin

 

POSIBLENG HINDI na matuloy ang pagbubuo ng technical working group (TWG) para sa Reproductive Health Bill (RH Bill).

Ayon kay House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr., ito’y kung walang partido o sektor na makikibahagi sa nasabing grupo.

Sinabi ng opisyal na mawawalan ng saysay kung silang mga mambabatas lamang ang makikilahok sa TWG.

Sa harap ito ng hamong tototohanin ng Catholic Bishops Conference (CBCP) ang pahayag nitong hindi ito makikilahok sa grupo na tatayong arbiter sa mga panig at kontra sa panukalang batas.

Aalamin muna niya kung sinu-sino ang kumpirmadong lalahok sa TWG bago siya magdesisyon para sa pagbuo ng technical working group, ani Belmonte.

Tiwala naman ang opisyal na aabot sa botohan ang kontrobersyal na RH Bill sa kabila ng mariing pagtutol ng Simbahang Katolika, dahil sa huli ang mga mambabatas pa rin aniya ang magdedesisyon at hindi ang mga obispo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.