#TEAMGAGA: Kabaliwan nina Solenn Heussaff at Renz Fernandez, benta sa TOTGA finale week!

Renz Fernandez and Solenn Heussaff

GAGA KUNG GAGA. ‘Yan ang outcome ng finale week ng sexy romance-comedy show ng MGA-7 na ‘The One That Got Away’. Maliban sa mga lead stars nito na puro guwapo, magaganda at talented, hindi rin naman papaawat ang ‘Team GaGa’ members comprised of Renz Fernandez as Gab at Solenn Heussaff as George.

Actually, kay Lovi Poe (Alex) muna ipinair si Gab. Siya ang may pagka-pabling na ex-boyfriend nito at nagkabalikan sila noong nagdesisyon si Liam (Dennis Trillo) na lumayo sa tatlong ex-girlfriends niya.

‘Yun pala, closet gay ang nagpapaka-playboy na si Gab. Ang totoo niyang bet? Si Liam!

Dahil sa sama ng loob nito kay Alex, gagawin niya ang lahat para makuha si Liam.

On the other hand, Solenn Heussaff’s character as George is the latest addition sa cast ng show. Siya ang isa pang ex ni Liam na obsessed pa rin at umaabot na sa sukdulan ang kagagahan sa pag-ibig.

Sa episode ng programa last night, nagsanib-puwersa ang dalawang hitad at nakakaaliw silang panoorin. Effortless ang pagiging beki ni Renz Fernandez, na first time namin napanood sa programa na gumanap sa gay role. Hindi OA. Sakto ang timpla at kahit atribida siya ay nakakaaliw siya panoorin. Kagabi pa nga ay may eksena pa itong naglagay ng nunal ala-Lorna Tolentino. Bongga! Ano kaya masasabi ni real-life mader?!

Max Collins, Nar Cabico, Renz Fernandez, Solenn Heussaff, Lovi Poe and Rhian Ramos

Si Solenn naman bilang George ay game na game sa pagpapaseksi at pagiging wild. Add some SexBomb Girls as her alipores. Napaka-campy!

Isa ang ‘The One That Got Away’ sa mga programa ng GMA-7 na napakasarap panoorin. Light, engaging at inspiring ang show. Magwawakas na ito tonight at as early as now ay may sepanx na ang loyal viewers nito kina Darcy, Alex, Zoe, Liam, Gael, Inigo, Bunny atbp.

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.