Team PNoy, ‘Di Rehistrado sa Comelec

HINDI REHISTRADO sa Commission on Elections (Comelec) ang “Team PNoy” o ang ticket ng 12 tatakbong senador sa ilalim ng administrationg Aquino para sa darating na eleksyon.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., ang “Team PNoy” ay isang impormal na koalisyon lamang at hindi entitled sa pagkakaroon ng sariling party time o coalition time.

Sinabi pa ni Brillantes na wala namang magiging problema sa mga kandidato ng administrasyon ngunit sa sarili-sarili nilang partido tulad ng Liberal Party (LP), Nationalist People’s Coalition (NPC) at Nacionalista Party (NP) lang ang maaari nilang gamitin at hindi ang “Team PNoy”.

Paglilinaw pa ni Brillantes, maaari namang gamitin ang katagang “Team PNoy” ngunit hindi aniya ito puwedeng gamitin sa political advertisement dahil hindi ito rehistrado.

May advantage umano kung rehistrado sa Comelec ang isang koalisyon, ayon pa sa Comelec Chairman.

“Mas malaki ho ‘yung advantage to get the dominant majority kasi sama-sama ho sila eh, para considered as one. Samantalang du’n sa kabila, hindi po p’wedeng magsama-sama po ‘yan for purposes of dominant majority, kasi ho iba-ibang political parties.”

“May kaunting advantage because they will be getting official copy ng transmission…” ani Brillantes.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.