Tayong Dalawa, magtatapos na! – Boy Abunda

IT IS NEVER easy to say goodbye.

Malapit nang magpaalam ang teleseryeng Tayong Dalawa na nakasama natin gabi-gabi sa loob ng halos sampung buwan. Pinasilip tayo nina Audrey (Kim Chiu), JR (Gerald Anderson), Dave (Jake Cuenca), Marlene (Cherrie Pie Picache), Lola Gets (Gina Pareno), Ingrid (Agot Isidro), Ramon (Coco Martin), Greta (Alessandra de Rossi) at ng iba pa sa mahahalagang yugto ng kanilang buhay. Katulad ng mga minahal nating karakter ay nakisaya tayo sa kanilang tagumpay, umiyak sa kanilang kabiguan, nasuklam sa mga nang-aapi at nangulila sa mga minamahal.

Naging mas lalong kapana-panabik ngayon ang mga pangyayari as the story unravels unexpected twists. Naiintriga ako kung paano mapatutunayan ang kasabihang, “Sa mundong para lamang sa isa, hindi maaaring tayong dalawa” sa teleseryeng ito.

Tayong Dalawa boasts of many firsts. Kakaibang Kim, Gerald at Jake ang napanood natin because they portray more mature roles in the series. For the first time, Jake and Gerald play the roles of uniformed men. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng intimate scenes sina Kim at Gerald na tiyak na ikinakilig ng kanilang fans. Their characters went on a honeymoon in Boracay at paano magiging makatotohanan ang kanilang pagganap kung magtitigan lang sila bilang bagong kasal sa kanilang honeymoon night. Ito na ba ang hudyat ng kanilang pagsabak sa mas mature at mas daring na pagganap in their future projects?

May mga twist din ang istorya like when Jake’s character was unexpectedly “killed” in the series. Many were surprised but it was later revealed that he was still alive but was captured and tortured by the rebels. Lumabas na rin ang katotohanang kambal sina Dave at JR na nagkahiwalay when they were still infants.

Umani ng parangal mula sa Armed Forces of the Philippines ang production team ng Tayong Dalawa at sina Kim, Gerald and Jake for promoting a positive image of the Philippine Armed Forces. Sinasabing nakatulong ang series sa pagtaas ng 300% sa recruitment ng Philippine Military Academy cadets.

Bravo, Tayong Dalawa!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

4 thoughts on “Tayong Dalawa, magtatapos na! – Boy Abunda

  1. dati si lola gets at marlene ang gusto ko pero sa kalagitnaan na ng teleserye ay si dave at ingrid na!!!! di ko akalain na magaling palang umarte itong si jake at agot,napahanga nila ako!! … bagay talaga ang ginagampanan nilang role, 1st time kung makakita ng ganitong role na very supportive,.. laging ngkakampihan..at higit sa lahat napaka sweet ng mag-inang ito…nakakamiss tuloy ang TD!!!!!! pero syempre magagaling silang lahat congrats!!!! sana may part 2 pa

  2. mamimiss ko ung mag-ina(dave at ingrid) ganda kc bonding nila at nakakatawa pag pinag-aagawan nila c dave, ung dalawang ina nya(marlene at inggrid) ha ha ha!!!! kung may part 2 man ito!!! nakita ko kasi sa ending sina rossana at enchong, this time si dave nman ang bigyan u ng kapartner para sumaya nman cya,parati na lng hirap at pasakit ang nararamdaman nya, naaapektuhan ako talaga don….ha ha ha…. pag umiiyak at sinasaktan nila si dave parang nasasaktan din ako, ganun ako kaapektado….

Leave a Reply

Your email address will not be published.