Taya sa Lotto, Itataas

EPEKTIBO SA susunod na linggo, magtataas umano ng presyo ng ticket ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kanilang 6/42 at 6/45 na laro.

Base sa abiso ng ahensiya, mula sa kasaluku-yang tig-P10.00 price per combinations ay gagawin na itong P20.00.

Gayunman, tataas din umano ang “minimum jackpot prize” para sa naturang lotto games.

Para sa 6/42 na may kasalukuyang minimum jackpot prize na P3-milyon ito ay itataas na sa P6-milyon habang gagawin namang P9-milyon ang kasalukuyang minimum na premyo ng 6/45 na P4.5-milyon.

Samantala, nilinaw naman ng PCSO na ang bagong hakbang ay kaila-

ngan para lalo pang mapalaki ang revenue ng ahensiya at mapalawak ang serbisyo nito sa publiko.

“These changes aim to increase for the Charity Funds to expand PCSO’s assistance and to better serve Filipinos nationwide,” ayon sa kalatas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.