Taxpayer’s Money, Sayang sa Cha-Cha – UNA

SAYANG LANG daw ang taxpayer’s money bukod pa sa nagtutulak ng mga pagtatalo ang pagbuhay sa panukalang pagsususog sa 1987 Constitution.

Ito ang naging reaksyon ni United Nationalist Alliance (UNA) secretary general Toby Tiangco kaugnay sa planong isulong ang Charter change (Cha-cha) sa kabila ng sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino III na hindi prayoridad ng administrasyon ang Cha-cha.

Ipinaliwanag ni House Speaker Feliciano Belmonte na kailangan ang mahahalagang amyenda dahil ang mahigpit na mga pang-ekonomiyang probisyon ng Konstitusyon ay nagdudulot ng balakid sa pag-akit ng puhunan at paglikha ng mga trabaho.

Ayon kay Tiangco, papasok ang mga puhunan kung nananatili tayo sa ating mga patakaran, merong maayos na economic fundamental at maayos na burukrasya.

Samantala, sinabi pa niya na dapat trabahuhin ng Kongreso ang mas kagyat na mga usapin kaysa pagsusog sa Konstitusyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.