Taxi Driver, Sugatan sa Pamamaril Dahil sa Away-Trapiko

SUGATAN ANG isang taxi driver matapos pagbabarilin ang minamanehong taxi nito sa Roxas Boulevard, Maynila.

Sinabi ni SPO1 Gerry Rivera ng Manila Police District (MPD) na may nakagitgitang kotse ang taxi sa Roxas Boulevard na nauwi sa pamamaril ng mga sakay ng kotse habang hinahabol ang taxi hanggang Pedro Gil.

Naisugod na sa pagamutan ang driver na si Tom Regalado, residente ng Barangay Pio Del Pilar, Makati.

Naiwan naman ang taxi nito sa bahagi ng UN Avenue kanto ng MH Del Pilar St. sa Ermita.

Nabasag ang bintana sa kanang bahagi at harapan ng taxi.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsisiyasat sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.