Taxi driver, Patay sa Tusok

 PATAY ANG isang taxi driver matapos pagsasaksakin sa kanto ng Del Nacia at Apo Ville Streets, Barangay Tandang Sora, Quezon City.

Wala namang makitang identification document mula sa driver ng Ten Ten taxi, na may plakang UVM 180.

Base sa mga nakasaksi, nagparada pa ang nasabing taxi sa lugar at dalawang lalaki ang mabilis na lumabas mula rito.

Hinihinalang hinoldap pa ang biktima bago patayin dahil nawawala ang kanyang wallet.

Samantala, narekober naman ng pulisya ang kutsilyong ginamit sa pananaksak.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima at nagsasagawa na rin ang hot pursuit operations laban sa mga salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.